Ramdam ang Kaunlaran

"Ramdam ang Kaunlaran", ang mga katagang mababasa sa mga latest na posters / streamers ng ating pangulo... Madami kang makikitang iba pang kataga na aakalain mong comedy dahil tila wala namang katotohanan, at ang nakakainis pa nito, buwis ng bayan ang ginagamit para sa pag papagawa ng kalintikang poster na ito...

Sa totoo lang marami pang version yang mga poster na yan, di ko lang matandaan yung iba eh, merong "pagkain sa bawat mesa" etcetera etcetera... Makikita ang mga tinamaan ng magaling na poster na ito along Roxas Blvd, at sa buong LRT Line 1.

Bakit ba kailangan pang mag pagawa naman ng mga poster na ganito? nakakatulong ba to sa kaunlaran ng bansa? E sa tuwing nakikita ko ang mga poster na ito naiinis lang ako kasi naiisip ko na yung tax na binayaran ko nung kumain ako sa Jollibee eh dito lang sa walang kwentang bagay napupunta.

Isa pang bagay, may mga TV ads version din ang mga poster na to, bwisit talaga. Pinagmamalaki sa mga TV ads na ito na tumataas ang GDP ng Pilipinas bawat taon dahil sa kanyang pamamalakad... Hayaan nyong ipaliwanag ko ang pag taas ng GDP ayon sa aking sariling pananaw. Maaaring mali ako dahil hindi naman ako ekonomista, pero, basta, gusto ko ipaliwanag eh.... hehe.

Dahil sa hirap ng buhay dito sa Pilipinas, maraming pinoy ang umalis ng ating bansa para sa ibang bansa mag hanap buhay... At dahil maraming umalis ng Pinas, maraming nag reremit ng Dollar sa Pinas... At sa pagkakaalam ko, pag maraming dollar na pumapasok sa pinas, mas tumataas ang GDP, ewan ko, basta ganun pag kakaintindi ko... To make things short: Pag mas maraming remitances, mas gumaganda ang lagay ng Piso kontra dolyar...

Ang nakakatawa nito, Madam president is taking all the credit for what the OFW has done for our country, instead of giving the credit to them. (English! Papa cheese burger ako...). Bakit mo aakuin ang ginawa ng iba para sayo? hehe. eh kaya nga sila pumupunta ng ibang bansa eh dahil sa kahirapan ng buhay dito, tas ipag mamalaki sa TV ads na gumaganda ang ekonomiya? hehe. Comedy talaga.

Isa pa nga pala tong si Bayani Fernando, muntik ko nang makalimutan... Yung mga poster mo po, mas malaki pa yung picture mo kesa dun sa mensahe sa mga poster ng MMDA. Na sa tingin ko eh ni hindi naman makakatulong sa kaayusan ng Metro Manila... Hindi obvious na tatakbo ka sa 2010 election.

Moral Lesson:
"Wag gumawa ng blog entry pag gutom na gutom ka na... Walang kwentang bagay ang mga masasabi mo" -Kian the Menace



                            

Loveless...

Prologue (Poem)
When the war of the beasts brings about the world’s end
The goddess descends from the sky
Wings of light and dark spread afar
She guides us to bliss, her gift everlasting

Prologue (Interpreted)
When the war of the beasts brings about the world’s end
The goddess descends from the sky

Wings of light and dark spread afar
She guides us to bliss, her gift everlasting

Act I (Poem)
Infinite in mystery is the gift of the goddess
We seek it thus, and take it to the sky
Ripples form on the water’s surface
The wandering soul knows no rest.

Act I (Interpreted)
The infinite mystery
The gift of the goddess is what the three men seek
But their fates are scattered by war

One becomes a hero, one wanders the land
And the last is taken prisoner

But the three are still bound by a solemn oath
To seek the answer together, once again

Act II (Poem)
There is no hate, only joy
For you are beloved by the goddess
Hero of the dawn, Healer of worlds

Dreams of the morrow hath the shattered soul
Pride is lost
Wings stripped away, the end is nigh

Act II (Interpreted)
Though the prisoner escapes, he is gravely wounded
His life is saved, however
By a woman of the opposing nation

He begins a life of seclusion with her
Which seems to hold the promise of eternal bliss

But as happiness grows, so does guilt
Of not fulfilling the oath to his friends

Act III (Poem)
My friend, do you fly away now?
To a world that abhors you and I?
All that awaits you is a somber morrow
No matter where the winds may blow

My friend, your desire
Is the bringer of life, the gift of the goddess

Even if the morrow is barren of promises
Nothing shall forestall my return

Act III (Interpreted)
As the war sends the world hurtling towards destruction
The prisoner departs with his newfound love
And embarks on a new journey

He is guided by hope that the gift will bring bliss
And the oath that he swore to his friends

Though no oath is shared between the lovers
In their hearts they know they will meet again

Act IV (Poem)
My friend, the fates are cruel
There are no dreams, no honor remains
The arrow has left the bow of the goddess

My soul, corrupted by vengeance
Hath endured torment, to find the end of the journey
In my own salvation
And your eternal slumber

Legend shall speak
Of sacrifice at world’s end
The wind sails over the water’s surface
Quietly, but surely

Act V (Poem)
Even if the morrow is barren of promises
Nothing shall forestall my return
To become the dew that quenches the land
To spare the sands, the seas, the skies
I offer thee this silent sacrifice

Ang babae sa TV... Vow...

Isang gabi, habang ako ay nag lalaro ng PSP, may isang "speech" na narinig ko sa TV ang nag papantig sa tenga ko... Ang sabi ng boses ng babae: "Huwag daanin sa chismis ang paninira sa akin, maglabas ng EBIDENSYA, at padaanin sa KORTE ang laban!"

Marahil, inyong naitatanong, ano naman kaya ang meron sa linyang ito na pinakawalan ng isang babae na nasa TV? Nakakatawa kasi... Parang hindi na siya nag isip kung dapat ba nyang sabihin yun o sinabi lang nya yun para makapag pasikat sa mga tao sa TRECE MARTIRES... Ano nga ba ang mali sa sinabi nyang yun? Himayin natin ang bawat salita...

"Huwag daanin sa CHISMIS"

Anu ba ang chismis? Yun bang nangurakot sila ng asawa nya ng katakutkakot mula sa kaban ng mamamayan? Chismis pa ba yun? Wala na kong masasabi pa dito...

"Maglabas ng EBIDENSYA"

Isang ka-GAGUHAN... Sinong tanga't kalahating tarantado ang mag iiwan ng ebidensya kung mangungurakot ka? Mag iiwan ka ba ng isang kasulatan pag nangupit ka sa pera ng bayan? Diba wala namang resibo yun? Kung may ebidensya ang pangungurakot, mangilan ngilan nalang ang matitira sa kongreso, senado, at kung saang saang ahensya ng gobyerno ang matitira, malamang nahuli nang lahat at nakakulong na sila... At kung may resibo ang pangungupit, malamang nalaman na ng Mommy ko na kumuha ako ng bente pesos sa wallet nya kaninang umaga... Isa lang naman ang basehan ko ng katotohanan, ito ay ang kredebilidad ng isang testigo, testigong lalaki na iyak ng iyak... Na kahit na anong paikot-ikot na tanong eh masasabi mong hindi salu-salungat ang sagot... Hindi kagaya nung matabang leader ng pulis, at kanyang mga kasama... Nabubulol, nakakatawa lang pag sumagot...

"Idaan sa KORTE ang laban!"

Ito ang madalas na isinisigaw ng mga kaalyado at  ng anak ng babae sa TV... Bakit nga ba gusto nila na sa korte idaan ang laban at hindi sa senado? Ganito yan sa aking pananaw: Ang mga hahawak kasi ng kasong ito ay yun ding mga iniluklok nung babae sa TV, malinaw na may kontrol siya sa kahihinatnan ng kaso... At isa pang bagay, tulad ng nabanggit ko kanina, walang ebidensya kundi mga sinasabi ng isang lalaki na iyak ng iyak... Ang kailangan kasi ng korte, EBIDENSYA, hindi testimony lang. At dahil walang ebidensya, ibabasura ng korte ang kaso. Kaya talo nanaman ang taong bayan dito... At masaya nanaman ang babae sa TV...

Sa ibang dako naman, may naganap na rally sa Makati last Friday, at bago ang rally, nangako ang PNP na hindi nila haharangin ang lahat ng gustong mag rally sa Makati. Pero hindi ganun ang nangyari... Hinarang ng kapulisan ang mga estudyante na galing sa Cavite, hinarang nila ang mga galing ng laguna, at hinarang nila ang mga nanggaling sa NLEX at SLEX. At isang nakakatawa pang balita ang nabasa ko sa dyaryo, meron daw nasiraan na bus sa may Makati bago mag simula ang rally, ang nakakatawa dito, ang bus eh nakaharang HORIZONTALY sa gitna ng kalsada... Naparalisa tuloy ang traffic sa buong makati... Ayun, walang nakapasok na raliyista... Obvious na sinadya ito. At isa pa, Ginawa ng ATO (Air Transportation Office) na "No Fly Zone" ang Makati during the rally, hindi tuloy nakunan ng ABS CBN ang areal view ng rally... Obvious din na ayaw nila itong ipakita... Ang dahilan daw eh "For Safety Purposes" tangna nila.

Moral Lesson:

Power = Corruption

Absolute Power = Absolute Corruption

Kian: The Starstruck Survivor!

Bata: Nay, ano po ang tagalog ng STAR?

Nanay: ... (mukhang nagiisip)

Bata: Nay, ano po yung tagalog ng star?

Nanay: Parol anak...parol...

Ang eksenang nasa itaas ay nangyari 40 minutes ago habang tinatype ko ang kabulastugang ito... Isang kawawang bata ang naturuan ng maling kaalaman ng kanyang magulang...

At dahil magpapasko nanaman, at narinig ko ang salitang PAROL, may naalala nanaman akong isang pahina ng aking buhay...

Ang kwento ay naganap sa Laguna, nung doon pa kami nakatira, ako ay nagaaral pa noon sa Colegio de San Pedro, at ako ay 1st year Highschool pa lamang.

Nagpauso ang school namin ng "Christmas Lantern Parade", na katatampukan ng mga hindi interesadong estudyanteng kagaya ko. Pero dahil utos ng matandang Principal ng school, dapat itong sundin... Kaya sa subject naming T.H.E., pinagawa kami ng sarili naming parol... At siyempre, bibilhin namin kay ma'am ang mga materials. 200% sure, may kickback sila.

Tinuruan naman kaming gumawa, ang problema, hindi talaga ako talentado pagdating sa art. Di ako marunong mag drawing, wala akong kwenta pagdating sa mga designs, etc.

Pinauwi samin ng titser ang materials at binigyan kami ng deadline, dapat bukas tapos na ang parol, tangina nyang titser siya. Na ikinatuwa ko naman dahil pwede akong matulungan ng aking mommy sa pag gawa. Solve na ang problema ko, pero mali ang aking akala...

Dumating ako sa bahay, at nagpatulong saking ina sa pag gawa. Siya ang gumawa nung buntot ng parol dahil hindi nga ako marunong.

BUNTOT NG PAROL: SOLVED!

Ang problema ko nalang ay ang parol mismo. At dito na nagsimula ang aking malungkot na istorya.

Kian: Mami, tulungan mo naman ako dito sa pagkakabit ng mga stick para maging star

Mommy: Ikaw na, Nanunuod ako ng "Saan Ka man Naroroon", magkikita na kasi sina Rosario, Rosenda, at Rosemarie!

Ginawa ko ang star, at tulad ng aking inaasahan, hindi talaga maganda ang kinalabasan. SHET! Hinayaan ko nalang ang frame ng parol na medyo paling... Sabi ko sa sarili ko. dadaanin ko nalang sa balat mismo nung parol. Ngunit, ayaw mabanat nung plastic na pampaganda sana sa parol. Shet talaga.

Kian: Mami, pano ba to? hindi ko mabanat yung plastic na pambalot sa parol! Lukot lukot!

Mommy: Antayin mo si dadi, baka alam niya...

So ayun... inantay ko si Daddy, at mya mya pa, bumusina na siya at pinagbuksan ko ng gate, at siya ay pumasok na ng bahay.

Kian: Dadi, marunong ka ba neto? Di ko kasi mabanat yung plastic na pambalot dito sa parol.

Daddy: Sus, yan lang simple lang yan, nung bata ako gumagawa ako nyan eh.

Kian: pano?

Daddy: pagkakatanda ko nilalagyan yan ng gawgaw...

Kian: huh?

Hanggang sa natulog na silang lahat. At narealize ko na wala akong maaasahan kundi sarili ko... So ayun. ginawa ko ang bulshet na parol... At ang kinalabasan ay isang star na paling, at ang balot neto na kulay green ay lukot lukot. In short, pwedeng idisplay sa harap ng bahay kung gusto mong maging comedy ang Christmas Display mo.

Kinabukasan, Christmas Lantern Parade na! So pumarada kami... Napansin ko, talagang napakapangit ng gawa ko. Sabi ng karamihan ng classmate ko, bumili lang daw sila, Taragis, bat ba di ko naisip yun. Tangina. Tas may isa pang mama na nadaanan namin sa parada, ang sabi sakin:

mama: Boy, parol ba yan? Haha

Kian: Fuck You! ..I.,

Mya mya pa, natapos din ang parade, at masaya kong tinapon ang parol, sa basurahan, sa harap mismo ng Principals office... Kawawa naman yung parol ko.

Moral Lesson:

"Pag pinagawa kayo ng parol ng titser mo, bumili ka nalang kagaya ng gagawin ng mga classmates mo..." - KianTheMenace

My Wallet... Vow...

Nais kong magkwento tungkol sa aking wallet... Ang wallet ko ay kulay black na Penshoppe, may kalumaan na ito, pagkakatanda ko 3rd year Highschool pa ko nung binili sakin ito ng aking inay... Ngayon, kung bubusisiin mo ang laman, marami ka ditong makikita:

  1. Ticket sa Mr. and Ms. PCU 2003 - Ticket na di ko malaman kung bakit tinatago ko pa
  2. Balat ng Maxx(red) - Bigay ata to nung crush ko noon na taga Dasma... Di ko alam na nandito pa pala ito, kaya tinapon ko na...
  3. Deposit Slip ng Equitable PCI
  4. Isang maliit na papel na naglalaman ng telephone number ng Landbank
  5. Dalawang ampao, mula pa nung last last Christmas, mula kay Ninang Ren Estrella, at yung isa walang nakalagay, di ko maalala kung sino me bigay.
  6. Clearance ng Computer Science Society (year 2005)
  7. Ticket ng "Raffle for a Cause"
  8. Resibong hindi ko na mabasa, kumupas na, malamang may sentimental value ito kaya nasa wallet ko. kaso di ko na talaga mabasa.
  9. Resibo ng tuition ko,2nd sem, year 2003. P 3,704.00 ang price
  10. Ticket ng bus, lumang luma na... di ko ma recall kung san ako papunta neto... malamang sa bulacan.
  11. 100 peso na load (Globe). Regalo sakin to ng aking Nanay Norma.
  12. 2x2 Picture ko na mukhang adik... taken 4th year HS palang ako. Kumupas na ang kulay kaya kumalat yung kulay ng damit kong color blue
  13. Nametag ko sa Christian Formation Retreat namin sa school. "Roel" ang pangalan ko.
  14. Resibo ng withrawal transaction ko nung unang sweldo ko sa Big-R, sa Pilipinas Bank ako nag withraw. Di ko na mabasa kung magkano ang winidraw ko.
  15. Ticket ng "True Faith" Concert sa school, dated February 28, 2003
  16. BPI Express Cash Card ko na Nag expire noong September 2006

Kian: The Stand Up Comedian

"... Isang maaliwalas na araw, naglalakad ako sa bayan ng Dasmariñas, may nakasalubong akong lalaking kalbo sa tapat ng Jollibee, may hawak siyang cellphone, at ito ay pilit na ibinibigay sakin, sabi ko agad sa sarili ko, ayus, naka - Jackpot ako! Agad kong kinuha ang cellphone, at sinubukang mag text... gumana naman, jackpot talaga! Inilagay ko sa bag ko ang cellphone at binalak na ipakita saking nanay... biglang  tumunog ang cellphone ng malakas, ang ringtone nito ay "We Are!", yung theme song ng One Piece..."

Shet! panaginip lang pala ang lahat... Alarm tone ko lang pala yung tumunog! Sayang ang cellphone... Nawala ng parang bula. Agad akong bumangon at mabilis na nag ayos, 4:15 am na pala nun, late na ko... Natapos akong mag ayos past 5:00 na, shet late na talaga... So ako ay naglakad, sumakay ng tricycle, and finally, nasa Dasma Bayan na ako para sumakay ng bus... Sa pag aantay ko ng bus, lahat ng dumadaan ay tayuan na, so no choice, kailangan kong tumayo para makarating agad sa office, at dito nanaman mag sisimula ang isang walang kwentang kabanata ng buhay ko...

Ako ay sumampa ng bus, at hinanda ang sarili sa mahabang pag tayo mula sa Dasma hannggang Vito Cruz. Napapwesto ako sa bandang gitna ng bus, nakatayo ako sa harapan ng dalawang girls na nag aaral sa Philippine Womens...

Nasa kalagitnaan na ko ng biyahe, napansin kong pigil na pigil ang tawa ng dalawa, sa di ko malamang kadahilanan, minsan naririnig ko ang bulungan nila, "uy, lilipad na... hihi..." talagang non-stop ang kanilang kasiyahan, habang ako ay tila nagdududa na kung ano ang kanilang pinagtatawanan, tila naisip ko, "Nakabukas ata ang zipper ko? lilipad na daw eh!", pero yon ay hindi pa confirmed...

Dumating ako sa Vito Cruz, pumasok sa office, at nag cr, sa awa naman ni Batman, bukas nga ang zipper ko... CONFIRMED... Shet...

Moral Lesson:

"Underneath your clothes, there's an endless story..." -Shakira

Víspera de Todos los Santos Especial!

Noong ako ay elementary pa lang, grades 1 to 3, ang buong klase namin ay pinagsusulat ng  titser (Grade 1 = Mrs Watson, Grade 2 =  Mrs. Malinis, Grade 3 =  Mrs. Janairo) ng mga bagay na pinag gagagawa namin sa nakaraang okasyon (Pasko, Bagong taon, Araw ng mga patay, etcetera...).  Nais kong ibalik ang panahong ako ay bata pa, kaya ako gumawa nanaman ng walang ka kwenta kwentang blog entry...

Sa istoryang ito, nais kong mag kwento tungkol sa mga nasaksihan kong mga bagay na humila saking atensyon... Sisimulan ko ito sa sementeryo sa guiguinto bulacan...

Tinawagan ko ang aking tita Nat-nat sa kanyang globe cellphone (8 pesos per minutes T_T) at sinabi nya na susunduin nya ko sa gate ng "Endless Love" cementery para mapuntahan ko ang puntod ng mahal nya sa buhay, at sa aking pag hihintay sa kanya sa gate, napansin ko na sangkatutak ang mga taong bihis na bihis... may mga Hip-hop, may naka jacket na akala mo eh me aircon sa sementeryo, may mga emo na kala mo eh kakukyut, at merong todo sa bihis na akala mo mamamasko. Para sa mababaw na katulad ko, kakaiba na ang tingin ko sa mga yun, kasi sementeryo lang naman ang pupuntahan at hindi party, hehe...

Dumating si tita, at kami ay pumasok na sa loob, may nakapaskil na banner sa harapan, "Bawal mag dala ng patalim, o anu mang bagay na makakasakit echos and chuvas", ngunit ilang hakbang pa lang ang nararating namin sa loob ng sementeryo, may nagtitinda ng "Pellet Gun". Nyahaha!

Matapos ang aking mabilis na dalaw sa Guiguinto, ako naman ay tumulak papuntang Pulilan, Bulacan... Pagbaba ko ng jeep sa kanto, madami agad tao, kasi malapit na dun yung sementeryo, lalong dumami nung nakarating ako malapit na mismo sa entrance, at takang taka ako, bakit hindi umuusad ang tao? nakakarinig na ko ng mga nagmumura sa bandang unahan, "Tang ina nyo! Tumabi muna kayo para makadaan yung mga tao!", sigaw ng isang mama sa unahan, mya mya pa eh umusad na ang mga tao papasok, nang makita ko kung ano yung nakaharang, isang nakakatawang mag ina ang nasa aking harapan. Si nanay, ay dala dalang salbabidang dolphin, at yung anak naman ay may dalang malaking bilog na salbabida... San kayang resort galing ang mga ito (o papunta), at anong ginagawa nila sa sementeryo? Dios Mio.

Ilang oras ang lumipas, nauhaw ako dahil sa init sa sementeryo, napag desisyunan kong bumili ng tubig... Pumunta ako sa isang tindahan, at bumili ng isang bote ng tubig, at tinanong ko kung pwedeng makahingi ng basong may yelo, sabi sakin piso daw ang isa... kumuha ang matandang tindera ng 3 baso, at kumuha ng yelo, gamit lamang ang kanyang garantisadong malinis na kamay, at nilagay sa baso... Shet.

At makalipas ulit ang ilang sandali, nagpabili naman ang aking inay ng sprite, ako ay bumili, hindi na ko dun bumili sa kinakamay yung yelo, tapos humingi ulit ako ng baso, so kumuha ang tindero ng baso, at kumuha ng yelo, awa naman ng diyos, kinamay ulit ang yelo. Bulshet. Di ata uso ata sa lugar na yun ang food sanitation ah...

Well, yun lang, paumanhin sa mababaw na mga kwento, antok na antok na kasi ako ngayon... (Partida, tulog ang utak habang nagtatype) Chaka, wala na munang moral lesson, antok na talaga, ZzZzzz...

Kare-kare Delight!

Babala: Ang sumusunod na kwento ay nagsasaad ng mga salitang hindi nababagay o maaaring hindi magustuhan ng mga taong kumakain, patnubay ng magulang ay kailangan.

Imagine: "Pagod na pagod ka sa work, umuulan at malamig ang panahon, uwian time na, gusto mo nang makauwi sa bahay at humiga sa malamig mong kama..."
Yan ang pakiramdam ko kahapon pag sapit ng 4:00 PM, masaya akong lumabas ng office building, at sumakay sa bus...

Tuwing sasakay ako ng bus, gustong gusto ko na:
1. nakaupo ako
2. nasa tabi ako ng bintana
3. mabilis ang sinasakyan ko
4. at siyempre, chicks na seksi ang katabi ko, este, hindi malaking mama ang katabi ko.

Sa awa naman ni Batman, natupad ang tatlong kagustuhan ko, yun nga lang, nagsimula nanaman ang isang mala kalbaryong byahe ko pauwi ng bahay...

May sumakay na isang mag anak sa may Mia road, Si tatay, si nanay, si ate, at isang batang sa tingin ko eh 2-3 years old. Umupo ang tatay sa likuran ng inuupuan ko, si ate naman ay sa tabi ni tatay, at si nanay na kalong si baby, ay naupo naman saking tabi.

Walang kaproble problema sakin ang scenario na yun, masayang kumakain ang pamilya ng fish cracker habang umiinom ng c2, habang ako naman ay prenteng nakaupo lang at nag sa-sightseeing sa manila bay, ngunit biglang...

UUUNNGGAAAA! UNNGGGAAAAAAAA!

Maingay na iyak ng bata, pilit pinatahan ni inay ang bata, pero wa epek... miya miya pa, nag mura ang nanay!
Nanay: Ay hindot kang bata ka! Tay hawakan mo nga muna itong bag! Tumae tong anak mo!
Tatay: Ay Putang ina, sabi ko na sayo pataihin mo muna yan sa bahay bago tayo umalis eh!

Kian: Tang ama ka! tulungan mo tong asawa mo! <--- sa isip ko lang

Kitang kita ng dalawang mata ko ang pag tulo ng mala Kare-kareng tae sa paa ng bata, papunta sa tuhod ni nanay, at sa mga oras na yon, di ko alam ang gagawin ko, naaamoy ko ang aroma ng kare kare kahit san ko ibaling ang ulo ko, badtrip... tumingin nalang ako sa labas ng bintana at tumitig sa nakangiting mukha ni Piolo Pascual sa billboard sa SM Bacoor...

Sa mga oras na yun, ako ay nasa pinaka hindi kanais nais na lugar sa mundo. Miya miya pa ay hinubaran ng nanay ang anak ng shorts, at on the spot nyang pinunasan ang kare kare... Hindi naman ako makalipat ng pwesto, dahil pag tumayo ako, siguradong sigurado na madidikit ako sa bwisit na kare kare nung bata.
Miya miya pa ay ipinasa ng Nanay ang bwisit na bata sa tatay, sa oras na yun, ngumiti sakin ang nanay habang pinupunasan nya ang kanyang tuhod na may bahid pa ng lecheng kare kare, BAKIT KAILANGAN MO PANG NGUMITI SAKIN! PAKING BULSHET!

Pagkatapos nyang magpunas, agad akong lumipat ng mauupuan, ngunit sa kasamaang palad, amoy ko parin ang kare kare... lahat ng pasahero ay nakatakip ang ilong, habang ang driver naman ay binuksan ang bintana. Agad kong chinek kung may bakas ako ng kare kare sa damit, sa awa ulit ni batman, wala naman, at ako ay nakauwi ng buhay sa bahay... Pinaiksi ko na lang ang kwento, bumabaligtad ang sikmura ko pag naaalala ko kung paano nilagay ni nanay ang shorts ng bata sa plastic ng Dunkin Donut...

Moral Lesson:
"Chicken Joy man o Chicken McDo ang kainin, paglabas nito ay tae parin..." -KiantheMenace

Meow... Help me... Meow...

I just wanna share something that happen just last week, it's Thursday to be exact... (Tatagalugin ko nalang, actually nagawa ko na itong post na to in English, kaso nung binasa ko ulit, parang hindi papasa kay pareng Carabao ang English ko. Kaya eto, Tagalog nalang...)

Umaga, 5:00 na nang umalis ako sa bahay, dinaanan ko ang aking daily walking path. Sumapit ako sa water tank ng subdivision namin at may nakita ako na nakaharang sa gitna ng kalsada, isang kulay orange na pusa. Nagtataka ako kung bakit nakahiga lang siya dun sa gitna at hindi siya natakot ng ako ay lalapit na (ang usual instinct ng isang pusa ayon sa aking obserbasyon, pag nakakakita ng strangers eh biglang tatakbo palayo)... Nang ako ay nakalapit na sa kanya, meow siya ng meow, nakita ko ang kanyang paa sa likuran, siya pala ay pilay, malamang nasagasaan, o baka may atraso siya sa kapwa niya pusa at pinilayan siya.

Naisip ko, "masasagasaan to pag di siya umalis dito, 100%..." Kaya ako naman ay nagmagandang loob sa hayup. kinarga ko siya at dinala sa bakanteng bahay sa tabi ng kalsada. Naks, red cape nalang super hero na ang dating!

Iniwan ko ang pusa, at ako ay tumuloy na sa pagpasok sa work. At ginawa ang every day routine ko... (sakay ng tricycle, sakay ng bus, pasok sa office, work, work, internet, work, lunchbreak, sleep, gising, work, work, internet, internet, labas ng opis, sakay ng bus, sakay ng tricycle, at lakad ulit pauwi sa house).

Sinimulan ko na ang aking paglalakad pauwi. Bumili ako ng limang Stick-O sa tindahan. Naalala ko ang pusa na nakita ko nung umaga, at naisip ko na bigyan siya ng kalahating Stick-O. Nang sumapit ako sa bahay na pinag iwanan ko sa kanya, wala na ang pusa, kaya ako ay nagpasyang umuwi na lamang... Ngunit nakaka tatlong hakbang palang ako palayo ng bakanteng bahay, ay may nakita ako... Isang pusang kulay orange, isang pusang nasa gitna ng kalsada. At ang nakakalungkot, ang pusa ay wala nang buhay... Durog ang katawan niya. 60% probability, nasagasaan siya. 40% probability, pwede din na binalikan siya ng pusang may galit sa kanya at tinuluyan na... Sumalangit ng mga pusa nawa ang kaluluwa ng pusa...

I therefore conclude that:

1. Nung makita ko ang pusa nung umaga, ang buhay niyang ginagamit nun ay pang siyam na.

2. Nung makita ko ang pusa nung hapon, nagamit na niya ang kanyang pang siyam na buhay. Kaya siya ay natuluyan na..

Moral Lesson:

"Aanhin pa ang Stick-O, kung patay na ang pusa..."

KianTheMenace's office misadventures...

Wooot! Tagal ko ata nawala dito sa "blog world" ah? Well, it's because mejo busy sa work at sa gaming life... pesteng gaming life yan, it's begining to devour my life again... Well anyways, I just want to share my stupid adventures here in the office... Well here we go!

Kian and the CD-ROM drive

Well, I have this mannerism na pag walang ginagawa, nagkakalikot ako ng kung anu ano... One time, yung CD ROM drive ng PC ko ang napagtripan, I pushed open, close, open, close, open, close... Then sometime later, out of my stupidity, hinila ko ang cd rom drive, ang resulta, natanggal ang cd rom drive. Nabali yung lalagyan ng cd rom. Later on, I decided to go to the MIS Department, ang sabi ko, "Sir, biglang naputol pag open ko nung CD ROM". Nakalusot... Buti nalang...

Kian and the Rubber Band

As I have said earlier, may mannerism ako na magkatikot pag walang ginagawa... At, ang napagtripan ko naman 1 time ay isang rubber band... Ginawa ko kung ano ang ginagawa ko nung bata pa ko, gumawa ako ng star, double star, bahay ni tarzan, sinturon ni tarzan, singsing ni tarzan, at ang pinakamahirap gawin, ang TAE ni tarzan... Nabored ako sa ginagawa ko, then ginawa ko naman ang natutunan ko nung grade 6 ako. Ito ay ang "Ray Gun". It yung pag binitawan mo yung sa hinliliit mo ay tatalsik ang rubber band. At sa sobrang katangahan ko, nabitawan ko yung sa hinliliit ko. At nakatutok ang goma sa kabilang group, "Policy and Research Group", CHUUNG! So tumalsik ang goma, at narinig ko si Sir Erick, ang sabi "Anu yun?" agad akong nagtulugtulugan, pero mukhang di naman nila napansin na may goma na tumalsik... phew...

Kian a.k.a. Superman!

Isang araw, naisip ko kung kaya kong pigilan ang pagsara ng elevetor door. so i decided na pigilan ito sa pagsara. On the process, napigilan ko! wow! ang lakas ko! ang masama lang, nasaksihan ng guard ang ginawa ko. at ako ay sinabihan... KJ ang guard...

Kian and the Water Dispenser

Kung katalamakang katangahan rin lang, di ako magpapahuli... Simple lang ang istoryang ito. Kukuha ako ng tubig, and I want to check kung nakasaksak yung water dispenser. Instead of checking kung naka plug ang saksakan, binuksan ko ang red tap, which corespond to HOT water, then tinapat ko ang kamay ko. Well, ayun, nalaman ko na nakasindi pala ito, mainit kasi eh. Napakasakit ng katangahan ko. Then i proceed filling my bottle with water from the blue tap. Sakit, ang init...

Kian and the BSP Chick!

Sa lahat ng katangahan ko, eto na siguro ang pinaka nakakahiya... Katatapos ko lang mag lunch nun, pabalik na ko ng Department of Finance. Nung papasok na ko ng DOF, may nakasalubong akong Office Girl na nagwowork sa banko sentral. Napakaganda, napakaputi, napakakinis, OMG, diwata ata yung nakita ko... So I looked at her, and I managed to look away after a while, then kinausap ko ang aking alter ego... "Holy Crabby Patty, I never saw such a beautiful girl, I'm willing to give all the money in my wallet just to marry this girl. O my Father Divine from heaven, I will be contented by a single kiss from her, please give me a chance to ki..." BBBLLLAAAAGGAAADUDUDUGGG!!!! Nagising ako sa pangarap, bumangga ako sa sa glass door... nakakahiya talaga. All the staffs, the guards, and the chick was so stunned by what had happen, instant superstar ika nga... Well, at least, I made her smile... *sigh*

Moral Lesson

"There are 2 things infinite in this world, the universe and the human stupidity" -Albert Einstein

LTO: License and Torture Office

Yesterday, pumunta ako sa LTO Imus para kumuha ng aking student license, dumating ako dun ng quarter to 11:00... Dahil weekdays, ang akala ko mabilis lang dahil konti lang ang mag aapply ng lisensya, tama ang aking hinala, konti nga lang, kayat ako ay nag isip na mag gala pagkatapos kong kumuha ng lisensya... subalit... Torture ang inabot ko... Bakit? narito ang aking kwento...

Pag dating ko sa LTO, pumila agad ako sa "window 2" para isubmit ang aking application form at birth certificate. Malapit na sana ako sa window ng mabasa ko ang mga requirements, kulang pala ako ng ID picture... Pakingshet, nakalimutan ko. So lumabas ako at nagpakodak, at ako ay pumila ulit sa window 2... kainis...

Matapos kong maibigay ang requirements, sinabi sakin ng clerk na: "tutoy, maupo ka muna at hintayin mong tawagin ang pangalan mo." agad naman kong umupo. at hinintay tawagin ang pangalan ko.

Sa awa ng Diyos, 12:00 na hindi pa ko natatawag. at dahil 12:00 na, lunch break na. Pambihirang patis talaga. Kaya ako ay nagpalipas ng oras sa panunuod ng TV, Eat Bulaga ang palabas. At habang naghihintay ka, pwede kang maupo sa kanilang wooden bench, na garantisadong sasakit ang pwet mo pag naupo ka ng mahigit sa 10 minuto...

Sumapit ang 1:00, bukas na ulit ang office. Pero parang wala pang balak magtrabaho ng mga tinamaan ng magaling na empleyado ng LTO. At exactly 1:40, tinawag ang pangalan ko:

"Bautista, Kristian, sa window 2!"

Tumayo agad ako at lumapit sa window 2, at kinausap ang clerk:

Kian: Ma'am san na po ako pupunta?

Clerk: Ikaw ba si Christian Bautista? Yung singer?

Kian: Hindi po, SAN NA PO AKO PUPUNTA!!

Clerk: hihi... sa window 11.

Sa wakas, nakagalaw din ang pwet ko. Pumunta ako sa window 11 para mag papicture. at sinabi sakin na, "maupo ka muna, tatawagin nalang kita...". BWISIT! UUPO NANAMAN AKO!

Mya mya, tinawag na ko para mapicturan. At pagkatapos, binigay sakin ang papers ko at ako ay kinausap:

Manong: Christian Bautista, kanta ka muna bago ka umalis.

Kian: ... (Tangina nyong lahat) <--- sa isip lang

Manong: hehe. Sige, sa harapan mo nalang antaying tawagin ang pangalan mo.

Pumunta ako sa harapan, at dito nagsimula ang tunay na TORTURE. Napakatagal bago natawag ang pangalan ko. Miya miya pa, ako ay tumingala para magdasal, pero ako ay nagulantang sa aking nakita na nakasulat sa itaas:

Kasalukuyan naming isinasagawa ang LTO - Information Technology System.

Kaya't higit na magiging mas maganda ang serbisyong aming maibibigay sa inyo

Ako ay napanganga. At aking dinasal: "Ama, patawarin mo po sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa..."

And to make things worst, may tumabi sakin na Indian, at NAPAKABAHO! bwisit talaga, tumayo nalang ako sa likuran. At miya miya pa nakita ko na ang iba pang nakaupo sa tabi niya ay nagaalisan narin. Tinawag ang pangalan ko nung 2:45 na, at mainit na talaga ang ulo ko. So pumila ako, at lalo pang nagpainit sa ulo ko ay ang isang batang takbo ng takbo.  At habang tumatakbo siya, sigaw pa ng sigaw. At pagkatapos ay sinuntok ng sinuntok ang hita ko. Parang sasabog na ang ulo ko sa inis. Konti nalang sasapakin ko na to. Pero nawala ang inis ko ng dumating ang kanyang ina, sinaway niya ang kanyang anak, At humingi ng tawad. At nang akin siyang tignan, wow, she's my type (single moms)... cute nya!

Single mom: Sorry, ang kulit kasi nito eh...

Kian: OK lang po yun...

Single mom: Sorry talaga ha? kukuha ka din ng student license?

Kian: Opo, Ikaw po?

Single mom: Oo, ngayon palang ako kukuha eh..

Kian: ah ganun po ba? Uhhh, ano po ang name nyo? <--- kapal ng mukha

Single mom: I'm Joy, and you?

Kian: I'm Kian!

Single mom: taga san ka?

Kian: sa may Dasma po.

Single mom: Ah, kami sa GMA pa, nag lunch ka na ba?

Oo nga pala, hindi pa ko kumakain. Nagusap kami, mejo marami din kaming napag usapan namin... hehe...

Nang matapos na ang pila, pinapunta ako sa window 1 para kunin na ang aking lisensya. Ngunit, wala pala akong makukuhang lisensya, tinatakan lang ang resibo ng "VALID AS STUDENT LICENSE", yun na ang student license ko. Resibo lang. Ito lang yung pinag laanan ko ng oras ko. Resibong may tatak lang. Bwisit kayong mga taga LTO kayo. Pero may napala naman ako kahit pano, Nilibre ako ni single mom ng palabok. Hihi. Sarap!

Moral Lesson

"Wala eh, may napulot ka bang aral dito?" - Kian the Menace

Nursing Student: Very Religious In a Funny Way!

Maraming kaugalian tayong mga katoliko na hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan kung para saan. Karamihan dito ay natutunan ko nung ako ay elementary at highschool pa lamang. Ako ay naguguluhan lamang. Sana ako'y inyong maintindihan.

Please don't get me wrong, hindi ako anti-christ, i still believe in God, yun nga lang, hindi sa paniniwalang katoliko.

Nung ako ay elementary pa lamang, grade 3 ako noon, namigay ang titser namin sa religion, si Mrs. Lantil, ng isang babasahin. Ito ay tungkol sa pananampalataya ng katoliko. Nakasulat sa pamplet na ito ang pag sa sign of the cross. Ito daw ay isang paraan para mapaalis ang kaaway o di kaya naman ay para mapalayas ang demonyo.

Now, bakit kailangan nating gawin ang sign of the cross pag dumadaan tayo sa simbahan? Meron ba tayong kaaway dun o may demonyo ba dun? Ba ewan, ako kasi hindi ko ginagawa yun.

At isa pang nakakatawa sa sign of the cross na ginagawa natin at pag mag aAmen na, kasi diba, "In the name of the Father, of the Son, and of the Holy Spirit..." then Amen, ang ginagawa ay pinipitik natin ang baba natin, o kung anu man yun, ewan ko kung pinipitik o hinihimas ang baba. Bakit ganun? Well i have the explanation galing parin sa isang pamplet na nabasa ko from way back highschool days...

Kaya ganun kasi, we're imitating the kissing of the rosary, pag kasi may hawak ka ng rosary, you are obligated to kiss the cross after you pray.  And i can't find any good reasons to do that. And, why pray the rosary? The fact na ang sabi ni Papa Jesus, pag nagpepray tayo, wag yung mahaba, wag yung maraming sinasabi, ang tinuro niyang dasal sa atin ay yung "Our Father", or "Ama Namin" sa tagalog. And praying the rosary tends to eat a lot of time. You have to pray "Hail Mary" alot of times. Tapos, the Hail Mary itself, it's a prayer for Mary, to pray for us sinners... bakit kailangan pang padaanin kay Mama Mary ang pagdadasal? Pwede naman tayong humingi ng tawad directly to God diba? And the fact na yung tinuro satin ni Papa Jesus na prayer, yung Our Father, kasali na dun yung pag hingi ng tawad, "... give us today our daily bread and FORGIVE US ON OUR SINS..."

Sino nakaimbento ng rosary? And, correct me if I'm wrong, hindi ko nabasa sa Bible ang salitang "Rosary". Pati narin yung Hail Mary, hindi ko rin yata nabasa sa Bible.

Tapos, sinabi din sa Bible, wag sumamba sa "images", at huwag sumamba sa iba maliban lamang sa ating Diyos. Pero bakit ang mga katoliko sumasamba sa mga kahoy na rebulto na nakapako sa krus? sa mga santo? Well, sabi nila, parang representation lang daw yun ni Jesus, so parang sumasamba ka narin sa kanya. Pero ang nasa isip ko, san ba galing yung kahoy na yun? sa puno hindi ba? Pano naging representation ni Papa Jesus yung puno na yun? At kung hindi naging rebulto yung puno na yun, sasambahin mo parin ba yun? So kung gagawa ako ng rebulto na nakapako sa krus na gawa sa pandesal na kinakain ko ngayon pwede kong sambahin ang tinapay na sana ay nagpabusog sakin? Diba? Anung kaibahan nung kahoy na ginagamit natin sa pag gawa ng bahay, tulay sa ilog, baseball bat, kariton, etc. sa kahoy na ginamit sa pag gawa ng rebulto sa simbahan para sambahin natin ito?

Nanay kupo. Ano ba itong mga sinasabi ko, puro againsts sa Religion ko. Ngayon, ibahin na nga natin ang usapan. Marahil nagtataka kayo kung bakit ang title netong post na to eh "Nursing Student: Very Religious in a Funny Way". Well, ganito kasi yan...

Kaninang umaga, nakasakay ako sa bus, may katabi akong isang nursing student. Siya ay maputi, nakasalamin, at amoy orange ang pabango niya. Hmmmm...

Kung kayo ay di familiar sa Baclaran area, may simbahan dun, so dumaan dun ang bus, pagdaan ng bus namin sa simbahan, nag sign of the cross ang babae, ngayon, ang talagang nagpatawa sakin deep-inside ay nagkataong nag sign of the cross siya sa tapat ng MMDA Male Urinal na nataong nasa tapat din ng simbahan. Hehe. Ngayon malinaw na sakin. marahil may demonyo dun sa urinal, ganun na nga siguro yun...

Kitams, 2 paragraphs lang dapat ang post na to, pero napahaba ko sa panunuligsa sa paniniwalang katoliko. Paumanhin po sa mga namamanata sa paniniwalang katoliko. Nilabas ko lang ang aking mga saloobin. Patawad ang aking hinihingi sa mga nainis, nagalit, nabadtrip, nasura, at napamura.

Moral Lesson:

"Nakaka akit ang orange scent... nakakawala ng motion sickness sa bus..." -Kian the Menace

Senatoriables: Comercial Artist?

Foreward:

Matapos ang drama sa last post ko, na realize ko na hindi ko dapat na i allow na i devour ng sadness ang life ko... i have to move forward and do what i do before, just like this blog! A lot of people say na "I'm a writter", pero ang sabi ko, hindi naman ako nag susulat? nagtatype ako ng articles? so I'm a typer! (corny...) well, lets get down to the topic and kick some Senatoriables ass!

Well, malapit na ang eleksyon, napakadaming poster na ang nagkalat, ngayon, i made this post para tuligsain ang mga TV ads ng mga magagaling nating senatoriables... Don't get me wrong, i know magaganda naman ang intentions nyo mga pare kong senatoriables, i just made this just for fun... ayaw kong makatanggap ng death threats please? Now lets begin!

Tessie Aquino-Oreta (libreng preschool)

Sa kanyang TV ad, merong isang gusgusing bata ang gustong pumasok sa skul, malungkot na malungkot ang bata. Kaya naman siya ay inakay ng butihing Ginang Oreta at sinabi na bigyan naman natin ng pagkakataong makatungtong sa pre-school ang batang pulubi. Ngayon, ang akin lang napansin, pulubi ba ang batang yun? Kung mapapansin nyo, malusog na malusog ang pangangatawan ng bata, mas malusog pa siyang tignan sa mga batang may perang pampaaral. Bobo ang direktor ng nasabing TV ad, hindi nagiisip...

Edgardo Angara (Ang gara ng buhay)

Sa kanyang latest TV ad, edukasyon din ang kanyang tinalakay. dumaan siya sa mga bata at sinabi na siya ay maaaring maging doktor, guro, etc. At pag daan niya, ngingiti ang batang sinabihan niya. Grabe, ang ganda ng koryograpi! Ang gara ng buhay ng mga batang ito. pwede sa comercial ng toothpaste...

Ping Lacson (H.O.P.E.)

Ang TV add naman ng kagalang galang na si Ping Lacson ang pinaka simple, kumakantang babae lamang at mga mga scene na tumutulong si Ping. Kaso, mukhang ang sumulat ng lyrics ng kanta ay sina Willie Revillame at Joey de Leon, bakit? Because it has a double meaning! "Si Ping, ang kinabukasan! Si Ping, ang kinabukasan!" haha, mag siping daw tayo sa kinabukasan! Idol! Iboboto kita! 2 thumbs up!

Ginang Roco (May pagasa pa ang bagong Pilipinas)

kagabi ko lang napanuod ang TV add na ito. Sa tv add na ito, sinabi nya na siya ang asawa ng yumaong Raul Roco, ngunit ang talagang natutunan ko dito ay walang anak sa labas si Raul Roco. Bakit? kasi, sinabi niya na "Ako ang asawa ng dating Raul Roco, AT ANAK NG KANYANG MGA ANAK!" hehe. logically, walang anak sa labas si Raul Roco. Galing!

NoyNoy Aquino (Yellow Boy)

Sa Tv ad ni pareng noynoy, pinakita ang mga speeches nina Cory Aquino at Benigno Aquino. Pagkatapos, may nagsalita, "Si noynoy din ay may dugong bayani!" Tapos, pinakita ang kanyang kotse at nakasulat "1987, nabaril si noynoy aquino"? huh? anong klaseng kabayanihan yun????

Ralph Recto (Korecto!)

Ang Tv add naman ng ginoong recto ay dalawang side na nagsasayaw, isang ballroom side, at sa kabila ay hiphop. Maganda naman ang message ng kanyang TV add, ngunit, nag sinasabi na niya ang kanyang final word, mapapansin nyo sa background na nag iba ang mga itsura ng mga sumasayaw! naging guard, teacher at kung anu anu pa! Jesus Christ, may magic ang mga dancer ni pareng Ralph.

Mar Roxas (Mr. Palengke)

Walang masyadong bago, parang dinagdagan lang yung dating TV ad nya ng mga nagbabasketbol at sumasayaw na mga lalaki.

Mike Defensor ('tol!)

Eto ang pinaka nakakatakot sa lahat, sa kanyang TV ad, hindi manlang siya kumamay sa mga tao. Sabi nila "iboboto kita para senador!" sabay posing naman si tol! ganda ng ad mo tol! nalaman ko ang mga plataporma mo! Tapos, nang matapos na ang TV ad, pinakita niya satin ang kanyang malaking kamao, na tila nagsasabing, "iboto nyo ko or else!" nanay kupo katakut!

Chit Escudero (...)

Si pareng chit naman, mga student ang mga kabatak, pangako ng kanyang TV ad na matutulungan nya ang mga ito na makapag aral. Sana kung manalo ka, matupad mo yun. Wala akong masabi sa ad mo. Sorry. Wala akong maisip na joke.

Miguel Zubiri (amigo ng bayan!)

Sa kanyang TV ad, puro ngiti ang nakita ko sa kanya. at nalaman ko rin na meron palang mga doctor na bigay na bigay na mag boom tarat tarat. Ang saya.

Manny Villar (Sipag at Tiyaga)

Well, sa TV ad kuya Manny ako maraming natutunan. Natutunan ko na si manny villar ay medyo bopols, bakit? Eh kasi, nakikipag palakihan siya ng bangus sa isang tindero, mas malaki ang kanya, tapos may sumingit na isa pang tindero, may dalang mas malaking isda, ngunit hindi naman ito bangus, talo siya, ngunit nginitian lang nya ang mama. natutunan ko din dito na magaling siyang sumalo ng pala. At higit sa lahat, natutunan ko dn dito na magaling siyang sumayaw. Grabe kuya manny, yan ang mga qualities na kailangan para sa isang senador....

Prospero Pitchay (Itanim)

Ang TV ad ng mamang ito ay madaming version, ngunit isang version ang nakatawag ng pansin sakin. ang eksena: "Pangarap kong makapanggamot ng may sakit" wika ng matandang doktor, sumulpot mula sa kawalan si ginoong Pitchay, "Pangarap kong tuparin ang mga pangarap mo,, ako po si Prospero Pitchay, pro pinoy..." Ayan manong doktor, nag pramis si kuya prospero na magkakalat siya ng sakit para madami kang magamot...

Loren Legarda (...)

Ang theme ng TV ad na ito ay pangkaraniwan lang, nakikisama siya sa mahihirap, nagsasaka kahit puting puti ang damit... hay, hindi ako natutuwa sa tv ad na ito.

Sa mga Senatoriables na may TV ad pero wala dito:

Sorry, wag ka na magtampo...

Moral Lesson:

"Mga ginigiliw kong botante, malalaki na kayo, wag kayong magpadala sa magagandang tv ad, tignan nyo ang kanilang mga plataporma, past performances, at ang ugali nila nung wala pang eleksyon(natural na mabait yan pag campaign period!). At sana sa mga mananalong senador, ayusin nyo naman ang budget ng gobyerno para sa  mga empleyado nila. para lumaki naman sahod ko T_T" -Kian the Menace

Kian the Menace Bids Goodbye

Wow, parang kahapon lang when i first posted my first post dito sa blog. Trip trip lang yun and eventualy naging hobby ko ang magsulat ng kung anu anung pangyayari sa buhay ko. Unfortunately, all stars has an end, nakakalungkot pero im closing this blog. This will be my last post in my blog. Well, bakit? kasi...

Nung bago-bago palang itong blog ko, there was a girl whom always reading my posts. tuwing nababasa nya yung blog ko tuwang tuwa siya, tapos naalala ko pa nun, nilagay niya sa shoutout nya, "The best talaga ang blog ni Kian!", and i received a lot of compliments from her. Yun ang nag inspire sakin to continue posting my misadventures. masaya kasi ako pag napapasaya ko siya. So i posted a lot of my misadventures to make her happy. (although one of them made her cry).

And now na I let her go, i guess wala nang dahilan para ituloy ko to. Kasi, every time i post an entry, ang nasa isip ko "mapangiti ko manlang sana siya kahit konti". Parang di ko kayang makapag isip ng ilalagay dito kung di ko iicpin na para sa kanya to.

I miss her na nga eh. Wala nang nagtetext sakin, "Kagigicng ko lang by, naglunch ka na?", "Nakasakay ka na ba ng bus?", "w8, di pa ko unli by, w8 mo ko ha?". Kahit paulit ulit araw araw di ako nagsasawa... I hate to admit but, I really miss her. huhu.

Hay, kahapon, i was so inspired of writting a story of mine. ang haba nun! so I told her that i updated my blog, and i have a special section there for her... Kaya lang, yung dating compliments, d ko natanggap. Actualy matagal na nga siyang hindi nagcocoment dito. But what can I do?

Kahapon, I'm so inspired. Ngayon I'm so down. Hay. Thats life naman. The higher you get in the happiness you have, the harder you'll fall pag natapos ang iyong kaligayahan.

Conclusion:

Well, finally, i want to thank all the people who waste este, who spend time reading my blog... Kahit yung mga di ko kakilala, i also receved compliments from them. salamat! Kahit na yung iba eh may panlalait din. hehe. Thanks for reading! So pano, hanggang dito na lamang... Hanggang sa muli... Goodbye! (*iyak*) -Kian the Menace

Love story of a Frog....

Once upon a time, in a forest, there was a lonely frog sitting in a rock in the middle of a pond. The frog seems to be satisfied on his life, watching other frogs swim, hop, find their mates, while he sits all day alone in the lonesome rock.

One day, the frog realized that he can't continue his life in this manner. So he decided to leave the rock, and find someone to be his partner.

On his journey, he met a lot of animals in the wild, then the frog immediately fall in love with a cow. He fell in love with this cow because the cow always makes him laugh, and cares for him alot. And despite of their differences. they stay steady for about 3 months.

But suddenly, the cow changed. The cow always always find a way to bug the frog out of her way. And eventualy, the frog let go of the cow. The frog cries all night, bearing the sadness of his first heartbreak.

Some year later, the frog met an owl. They became friends and the frog seems to be falling in love again. But the frog is so confused at the moment, he doesn't want his heart to be broken again... But he said to himself, "kokak kokak kokak" which transalte to "I have to try again, I love Ms. Owl and i want to be with her for the rest of my life...", so the frog courted the owl, and finally, the owl fell in love with the frog...

The relationship seems to be strong, every waking day seems to be happier than yesterday, but the frog shows so much love, the frog seems to love the owl more than himself. He skip meals just to save money for simple gifts, he skips classes just to be with her, and eventually, his life becomes a big big mess...

But all the sacrifices seems to be not enough for the owl. The owl dated a Carabao, the carabao comes from a rich family, and he's from a prestigious school in the forest. The owl said that they are just seeing each other, and they are just friends. Jelous as he is, the frog envyed the dates of the owl and the carabao. And one day, the frog ask the owl for a date, it was in August 21, 2003, the owl say yes. The frog became excited! The owl and the frog never dated again for a long time! They decided to have a date tomorrow in a mall in the civilized part of the forest. The frog, as expected, bought things to make the owl happy, (flowers and a huge heart pillow).

The day of their date comes, the frog comes early as usual, their meeting time is 11:30, he arrives at 10:30, what an idiot... he waited an hour, but unfortunately, the owl didn't show up. The frog tries to call the owl, he's worried, but the owls cellphone is turned off. Two hours later, the frog decided to go home. And on the way home, he received a message from the owl. "Im so sorry babe, carabao texted me that we need to meet. And i forgot about our date, im sorry." the frogs feeling is so hurt. And he gave the flowers and the heart pillow to a pig, a street beggar. Waste of money.

They texted that night, and the owl asks for her freedom. She said that she seems to be tired of being with the frog... and the frog let her go. And cried all night again. The following day, while walking on the way home, the frog met the owl, and the owl is with the carabao. the owl seems to be embarassed. and the frog almost cried. the frog returned to his rock, enduring the stabbing pain in his pity heart...

The frog decided to forget about love. 3 years have past, the frog loved no one but himself. But a fateful day in January 2006, the frog's aunt introduced him to a friend of her, a dove... the dove makes the frog happy each time they talked. and again, the frog fell in love. And out of that love, the frog composed a poem, dedicated to the dove...

A Day I Wont Forget
By Frog Boy

Tuesday, the day when i met
you, my angel.
Knowing you just made my day
When i look into your eyes
i've seen
my day would be bright as Polaris.

I can see the things you don't
want me to know
I can see the feelings that
you don't show
When your hand slide down to
my hands,
The feelings of LOVE will
show again.

Since then...
Happy & content is how i
feel with you
You never want me to be in
sorrow
You try to please me in every
way
Which make me love you more
each day.

Since then...
You are in my thought both
day & night
You bring in my morning light
When sleep consumes me, you
are near
Either on my mind or being
just there.

My dreams have been sweeter
since i met you
That day is a day i will
never forget
If i had a day to live over
again
That day in May is where i'd
choose to start again
I LOVE YOU Dove

The poem was soley dedicated to the dove, despite of the wrong grammars, he still dedicate it to her...

The frog always says to the dove that he love her, but everytime he said his feelings, the dove seems to be not interested. so apparently, the frog gave up the feelings for her. (the frog seems to be impatients when it comes to love) but later, when the frogs feeling was almost gone, the frog found out that she loves him too. and that hurts... its too late... and later on, the dove send back the poem to the frog. which really hurt his feelings more.

The Best Love Story Begins Here!

*ommited...

Frog's message to readers:

Well, ummm, thanks for reading this long long story of mine, who's the frog anyways? you have no idea huh? well, maybe he's a guy who hates frog so much... and oh, sorry for the wrong grammar, spelling, wrong words usage, and any errors on this story. I'm just a frog, im not perfect. frogs commits mistakes too! And this is the first time that i made paragraphs that reached this long in plain english! So long! kokak! kokak! kokak!

My First Encounter With An Alien

Kahapon, uwian, nakasakay ako ng bus na swerte namang may isa pang upuan para sakin. isang upuan sa pang dalawahan, sa bandang gitna. At maniniwala ba kayo na ang nakatabi ko ay isang alien?

Ang alien na tinutukoy ko ay hindi nanggaling sa outer space, siya ay nanggaling sa Canada. Pano ko nalaman na galing ng Canada? Eh kinausap ako nung alien eh. hehe.

Nagsimula ito nang makarating kami sa Coastal Raod, halos kareregister ko lang nun sa bwisit na unlimited text ng Smart. Ngunit napakalungkot dahil ang Christa ko ay matutulog daw. so ayun, wala na akong magawa. Kaya nanuod nalang ako ng Full House sa TV onboard nung bus. Ngunit nagulat ako at nanlamig, kinausap ako ng Alien! Ang alien ay mukhang 30+ years old, at maputi... at eto ang aming usapan... (ang usapang ito ay maaring hindi ang mga eksaktong salita na napag usapan namin, ngunit ang tunay na diwa ay nakasulat parin sa ibaba...):

Alien: How long have you been here in the Philippines?

Kian: Wat? Me?

Alien: Yeah, you, how long have you been here in the Philippines?

Kian: Ah, Ser, ay was born hir in da pilipins, aym a Pilipino ser.

Alien: Oooo, I see. Well, i came from Canada, I came all the way here to meet my hubby again ang do drill dance...

Kian: Dril dans?

Alien: Yeah drill dance!

Kian: Wat das dril dans supows tu min ser?

Alien: C'mon boy, i knew you know what i mean!

Kian: Ok... ay get it naw...

Alien: Hohoho, you know what, i met her in IRC, and we first do the drill dance in hongkong! she works there at that time, so i got there and do her. hoho.

Kian: uhuh... (walang masabi sa kadaldalan ng kumag)

Alien: But now that she's here, i'm gonna meet her parents.

Kian: (nag isip ng sasabihin) Gud por yu! Wel, wer ar yu steying naw?

Alien: I rented a condominium in (d ko maalala).

Kian: end antil wen ar yu gowing to stey hir?

Alien: Until February 20 i guess...

Kian: ah so yu hab a lat op taym to do da dans huh?

Alien: Haha! Yah you bet... Whats your name again?

Kian: aym Kian ser...

Alien: What? Kiyon? Well nice meeting you boy! im (nakalimutan ko pangalan)

Kian: Nays miting yu tu ser.

Alien: Blah blah blah!! harhar!! blah blah blah!

di ko na maalala ang ibang sinabi, One Piece na kasi eh. nanuod ako ng TV... hehe. Pag sapit namin sa SM Bacoor, nag paalam na siya... at take note, di lang sakin, kundi sa buong bus... haha

Alien: Bye,... uhh... Kiyon! I think this is the place that she told me to get off... Bye EVERYONE!

Kian: Gud lak on da dans ser, tek ker!

Alien: HOHOHO!

Pasaheros: hihi... giggle... hihi...

Nagtawanan ba ang mga katabi naming pasahero sa sinabi ko? Pag baba ng Alien, kinausap ako ng isa pang mama,

Manong: hoho. kanina pa daldal ng daldal yung kanong yun, yung katabi nun kanina bago ka sumakay dinaldal din. hoho

Kian: hehe...

Nakahinga ako ng maluwag at natuwa dahil pwede na ulit akong mag tagalog... phew... nakaraos din...

Moral Lesson:

"Balentayms is nir! Lets hag our belabed wans! end do da dril dans!"-Kian the Menace

Kian and the Driver From Hell

Siguro of all the post that I created dito sa blog ko, ito lang ang seryoso... walang halong kalokohan...

Isang wala halos na tulog na gabi ang lumipas, ang tulog ko lang yata ay from 11pm to 12mn, then from 12 di na ko nakatulog dahil sa kasisisi sa sarili ko... ang resulta, para akong zombie. 4:30 am, I decided na bumangon na, kahit wala sa mood, naligo ako, at nag ayos para pumasok... Naglakad ako papuntang sakayan ng tricycle, wala parin ako sa sarili ko parang zombie parin, lumulutang ang isip ko. then a few minutes later, nakasakay na ko ng tricycle, then bumaba ng tricycle, then sumakay na ako ng bus. I still had the sadness, wala parin ako sa sarii ko. Then I said to my self, "This day is so perfect to die...", Tapos, umandar na ang bus, at ang nagpapandar ng bus ay ang Driver From Hell...

Nagulat ako sa mabilis na acceleration ng bus, napakabilis talaga! naisip ko tuloy yung inisip ko kanina na "...perfect day to die". Natakot ako, d ko inaasahang ganun ang mangyayari... Oh, God, ayaw ko pang mamatay... Humawak ako ng mahigpit sa hawakan... at di pa nakaka ahon ang bus namin sa Aguinaldo Highway, habang mabilis parin ang takbo ng bus, bumangga ang sinasakyan kong bus sa isa pang bus... CRASH! Di ko makalimutan ang sensation na naramdaman ko. Nadala ang katawan ko pa forward sa lakas ng impact... narinig ko ang mga sigaw ng mga pasahero... nagliparan ang maraming bubog sa bus...

Mabuti nalang at hindi ako sa bandang unahan naupo, kasi yung mga naupo dun ay naparaming sugat dahil sa basag na salamin...

Actually, this is the second time na nakaranas ako ng bus accident. yung accident na una ay binigyan ako ng minor cuts sa arms... At yung unang experience ko na yun ay talaga namang na trauma ako. natakot akong bumiyahe nun. almost 4 days akong takot na takot bumiyahe...

Sinwerte lang ako ngayon, mejo masakit lang yung chest ko kasi tumama sa harapang upuan, pero I'm OK, i knew it... siguro dahil i expected na mangyayari yun, kaya i braced my self for the collission(tama ba spelling?), kaya di ako masyadong nasaktan... Lumipat nalang ako ng bus na sinasakyan...

Ngayon, na realize ko na karma ko ito, karma sa mga nagawa kong pagkakamali... Ngayon ko napatunayan yung katagang "Be careful on what you wish for, cause you might get it..." Bakit ko nga ba sinabi na gusto ko nang mamatay?

God I'm so sorry... I learned my lessons na... I'll never think or say those kinds of words again... Salamat po sa panibagong buhay...

Sino ang First Crush mo?

There was a story that i want to share, dahil kating kati nanaman ako, gusto ko na ulit mg post dito... It's a story about "My First Crush", nyaks, parang autograph book!

I had my very first crush when i was in elementary, Grade 4 to be exact. Her name was Jenna del Rosario. hihi. si jenna ay mabait, magka height kami, matalino, at siyempre, beautiful. But unfortunately, ako ay bata at tanga pa noon, di pa ako marunong mag express ng feeling ko towards the opposite sex, siyempre, bata pa nga kasi...

Dahil crush na crush ko siya, gustong gusto ko pag siya ang nagchechek ng papel ko, kasi lagi siyang naglalagay ng "CHECKED BY: JdRosario(Pirma to)" parang instant autograph! hehe. kahit 0 ang score ko, basta siya ang magcheck masayang masaya ako. Ganun ako kababaw. Naalala ko din nun nung tinitignan ni Tita Lyn ko yung Class picture namin, tinanong niya sakin kung sino ang pinaka maganda dun sa class namin, siyempre, tinuro ko yung crush ko. siya ay sumagot: "anu ka ba? mas maganda to o!" tinuro niya si Katrina. Pambihira, sumama ang loob ko, tinanong pa niya ko eh siya din pala ang mamimili kung sino ang pinakamaganda? hehe...

Ang masakit lamang sa alaalang ito ay si Jenna ay may ka loveteam sa classroom, si Paul (di ko maalala surname ng kumag). Lagi silang tinutukso sa classrum, "Uyy, bagay na bagay sila...", "O Paul, kelan mo ba liligawan tong si jenna?", at siyempre... ako naman ay selos na selos. hehe.

Lumipas ang maraming araw, dumating ang time na malapit na ang Christmas party, siyempre exchange gift nanaman! nakakaexcite! At kabilin bilinan ng teacher namin na wag sasabihin kung sino ang iyong nabunot... Ngunit isang chismis ang nagpapalakpak sa tenga ko! Ang nabunot daw ni Jenna ay ang pangalan ko! WOW! excited na excited na talaga akong mag exchange gift! Lumipas ang maraming araw, sumapit ang exchange gift, at tinawag na sa wakas ang pangalan ko... At ako ay nadismaya... ang nakabunot pala sakin ay si Sarah Caguiat... at ang nakuha ko ay ruler set na pwede kang gumawa ng ibat ibang hugis. Sarap itapon. Napakalungkot talaga. At lalo pa akong nalungkot ng nakita ko kung sino ang nabunot ni Jenna, si Paul pala, at ang regalo nya sa kanya ay isang picture frame na may picture pa ni Jenna. Holly crap. Basag ang puso ko...

Natapos na ang Grade 4, siyempre ang susunod sa 4 ay 5, kaya Grade 5 na ko. Klasmeyt parin kami ni Jenna, at klassmeyt parin namin ang paul(dammit). Ganun parin, masaya parin ako pag siya ang nagchecheck ng test paper ko, masaya ako pag kinukurot niya ko.

Lalo pang sumaya nang maging magka service kami, pag uwian palagi siyang nagpapabili sakin ng frostie! Naalala ko pa nun ang gusto niya ay yung color red, at syempre, ako naman ay uto uto, bili naman ako.

At sa wakas, sumapit din sakin ang liwanag ng buhay, ito ay nangyari nang mag field trip kami. Pumunta kami sa bahay ni Rizal, pagawaan ng Coke, at ang higlights ay sa Botanical Garden sa UP Los Baños...

Ang Botanical Garden na yun ay isang mahabang pathway na pababa, parang gubat ang lugar, at pag narating mo ang dulo ay may water falls. Bumaba kami dun ng mga klasmeyt ko(di ko na ikukwento ang mga nangyari dun kasi d ko maalala), at mya mya ay umakyat ulit kami. nakakapagod. Pagdating namin sa taas, nakita ko si Jenna, nagiisa, at sabi nya sakin, gusto daw niyang bumaba at makita yung falls kaso wala siyang kasama.

Sinamahan ko siya, exciting! iniwan ko ang mga kolokoy at sinamahan ko ang crush ko. dahil pababa ang daan, humawak siya sa kamay ko... o my, this is heaven... naalala ko pa ang sabi niya, "Juggernaut wag mo kong bibitawan ha?" JUGGERNAUT? ang liit liit ko juggernaut? anyways, bumaba kami sa kahabaan ng pathway, holding hands... *giggle*, masayang masaya talaga ako nun! hanggang sa paakyat, hawak kamay parin, hihi.

Pag dating namin sa bus, tanung ng tanong yung mga kasama ko, "san ka ba galing? pumunta kami sa Philippine Eagle Exhibit! Di mo nakita yung mga eagle!" Hehe. inyo na yang mga Eagle na yan. pakialam ko jan. At mya mya pa, sumakay si Jenna sa bus at ng thank you... "Thank you Roel!" (Roel ang tawag sakin sa skul nung elementary), sabay flying kiss! OMG. ang saya talaga.

Mya mya pa ay kinausap ako ni Claudette, isang classmate, at sinabi niya na nakita daw niya kami kanina na magka holding hands. hehe.

Anu na kaya ang nangyari sa kanya? nung grade 6 kasi lumipat na siya ng skul. hay, huli ko siyang nakausap nung 1st year college, uso pa nun yung "drop call" (drop call yung tawag na wala pang 5 seconds, then ibababa mo agad para hindi mabawasan ng load mo), at ang sabi ba naman sakin "Ah, kaw si Kristian, yung MALIIT!" nang inis pa. sinagot ko siya ng "nagsalita ang matangkad." hehe. mula nun, wala na akong balita sa kanya, umalis na daw siya papuntang ibang bansa... hehe. at dito na nagtatapos ang kwento, maikling kwento na galing sa aking maHABAGdamdaming buhay.

Moral Lesson:

"45 minutes na halos akong nag iisip ng moral lesson sa post na ito. Wala akong maisip. Marahil dahil walang fried rice sa cafeteria, hindi ako nag almusal, o di kaya naman ay wala akong isip." -Kian the Menace

Kian: The Privacy Invader!

Well, sa totoo lang, ayokong ikwento ang mga sumusunod na talata. Subalit ako'y kating kati na, gusto ko na ulit mag type eh! kaya eto, game na...

I have a confession, i have this kind of instinct na whenever there is someone beside me on a bus, tricycle, or where ever it is, na nagtetext, palagi kong nababasa ang mga pinaguusapan nila... And i promise, di ko sinasadya yun(minsan lang).

Alam ko naman na mali yun, pero every time na may nagtetext na katabi ko, palagi nalang nasa line of vision ko yung screen ng cellphone nya, and that results to the title of this blog... I invade the privacy of my victim... Oh My God...

Let me share to you some examples that i remember... There was a nursing student sitting beside me, nagtetext siya, at ang tinype niya:

"sweety, nakasakay na ko ng bus, hintayin mo ko sa skul, san ka na?"

Message Sent!

Makalipas ang ilang sandali, nag reply ang katext niya, i assume na boyfriend nya yun, kaso sa kasamaang palad, sobrang haba ng text ng bf niya, at hindi ko nabasa... mabilis na nag reply ang nursing student:

"T#NGIN# MO"

Haha, anu kaya ang sinabi ng bf niya at napamura yung nursing student? then, tinago na niya ang cp niya at hindi na pinansin ang tunog ng tunog nyang cp... kawawang bf.

Ang susunod naman ay sa isang matandang lalaki. tumunog ang kanyang cp, ang nakalagay:

"Papu, bumili ka ng litsong manok para sa birthday si (d ko maalala pangalan), san ka na ba?"

Mabilis na nagreply si manong:

"Wala na kong kwarta, naubos na ng mamu mo! bumili ng blender. imus na ko."

Kawawang birthday celebrant... walang litsong manok... Bwisit kasi si mamu...

Ang susunod naman ay tungkol sa isang babae, naka formal at may dalang mga credentials(o credencials? o credensials? anu ba spelling? hehe)... nag text siya:

"Mam Mira, baka naman po pwedeng bukas nalang ako magreport sa office nyo po, hapon na kasi baka hindi na ko umabot..."

Mabilis na nagreply si mam mira:

"Hindi pwede kasi hanggang ngayon nalang ang call time for secretary applicants..."

Nagreply ulit ang babae:

"Mam, Please po... give me a slot for an interview tomoro."

At nagreply muli si mam mira:

"Apply ka nalang next year..."

Hehe, pinindot ng babae ang reply, ang tagal niyang nag isip ng irereply. pero kinancel niya at itinago na ang cellphone niya sa bag...

Madami pa kong nabasa na mga text messages... kaso di ko na maalala yung iba, at yung iba naman eh walang kwenta, naguusap lang. tinatamad akong ikwento...

Sa mga oras na to, alam ko ang iniisip mo, "NAPAKACHISMOSO MO KIAN! MALI YANG GINAGAWA MO! HAYUP KA!" well, kung yan ang iniisip mo, thank you... di ko naman sinasadyang mabasa. ewan ko ba, lagi akong na cucurious pag ganun. pero, di ko naman ginagawa to sa mga kakilala ko, sa mga di ko lang kilala... chaka alam ko naman na mali talaga yun. paki sapok nalang ako kung yan ang ikasisiya mo...

Kaya naman pag ako ang nagtetext, i always see to it na walang matang naka tingin. nagtetext ako habang nasa loob ng bag ko ang aking cellphone... "Galit ang magnanakaw, sa kapwa magnanakaw"

PUBLIC WARNING!!!!

Kung nakasakay at nakatabi nyo ang lalaking nasa picture sa upper left ng screen na ito, mag ingat, wag magtext... YOUR PRIVACY IS IN GREAT RISK! Inirerekomenda ng kinauukulan na bumaba ka nalang sa bus na yun para masaya.

Moral Lesson:

"Don't do unto others, what you don't want to do unto you... ARAY! SAPUL AKO!" -Kian the Menace

Kian and the Bomb Scare Hoax!

Last week, just an ordinary afternoon, sumakay ako ng bus pauwi, sinwerte ako kasi ang dumaan na bus ay pa tagaytay, kasi pag tagaytay ang nasakyan mo, maluwag at makakaupo ka. Nakaupo ako sa tabi ng bintana, sa upuang pantatluhan...

Pagdating sa Baclaran may sumakay na lalaki, tumabi siya sa tabi ko, siya ay mejo maitim, matangkad, at ang kapal ng balbas... ang pumasok agad sa isip ko "Di kaya terorista to?", at lalo akong nakumbinsi na terorista nga ito dahil may bag siya na kanyang kinalong, at mukhang mabigat ang dala dala niya. Holy Moly! Naisip ko agad, baka suicide bomber to! nanay ko po.

Mabilis na lumipas ang oras at nawala sa isip ko ang takot sa katabi kong mukhang terorist. Ngunit isang nakapanghihilakbot na tunog ang nagpatayo sa aking balahibo!

"TUUUUUUT TUUUUUUT"

OMG, nanggagaling ang tunog sa bag niya, pero hindi ko pinansin at nagkunwaring cool na cool parin sa pagkakaupo... at mya mya pa...

"TUUUT TUUUT TUUUT"

Bumibilis ang pag tunog! Parang yung bomba sa Counter Strike! inisip ko na cellphone lang yun, pero hindi eh! It doesn't sound like a monotone or a polytone! kakaiba talaga yung tunog! at mya mya pa...

"TUT TUT TUT TUT TUT"

Sa mga oras na yun, nanlamig ako, kinilabutan, at kung anu anu na ang pumapasok sa isip ko:

"Huhu, gusto kong lumipad at butasin yung bubong..."

"TUT TUT TUT TUT TUT"

"bakit ba ko nakasakay pa dito..."

"TUT TUT TUT TUT TUT"

"Kung sasabog to at mabuhay ako, anu kaya magiging itsura ko? OH GOD!"

"TUT TUT TUT TUT TUT"

"Diyos ko, ang dami ko pang gustong gawin at maranasan sa buhay..."

"TOOOOOOOOOOOOOOOT!"

BOOOM! <----- (Joke lang, hehe)

KInausap ang terorista ng isa pa niyang katabi, at sinabi nito na kanina pa may tumutunog sa bag niya.

Naalimpungatan ang terorista, at binuksan ang bag... At ako ay muling nagulantang sa aking nakita... Isang hugis tandang na alarm clock ang kanyang inilabas, at inoff ang alarm.

Terorista: Nag set ako ng alarm para magising ako pag nakatulog ako dito sa bus. di rin pala ko magigising... hohoho.

Kian: Putragis ka, Hayup ka, paking shit, muntik na kong mapa ihi sa takot! sarap mong hagisan ng pla pla! (sa isip lang)

Nakahinga ako ng maluwag... Kakaibang experience talaga... Ganun pala ang feeling pag akala mo may sasabog, gusto kong kumawala dun sa kinauupuan ko pero d ako makaalis, i feel so helpless... nakakatakot talaga...

Moral Lesson:

"Pag makapal na ang iyong balbas, paki ahit nalang, para hindi na makapag sanhi ng takot sa ibang tao..." -Kian the Menace

Kian: The Spoiled Brat's Nightmare

Kaninang umaga, sumakay ako ng bus papuntang office. Umupo ako sa upuang dalawahan, sa tabi ng bintana. Himalang hindi manlang napuno ang bus, wala halos pasahero. Pagsapit ng bus na sinasakyan ko sa Imus, may sumakay na mag ina. Umupo ang anak nyang lalaki sa tabi ko, at ang ina naman niya ay naupo sa katapat na upuan. Gets? Hindi? Eto ang siting arrangement namin:

I O I O I M I I A I K I

Legend:

O = Ibang tao, walang kinalaman sa istorya, EXTRA

M = Ang Magaling na Ina

A = Ang Tinamaan ng Magaling na Anak

K = Ang Mas Tinamaan ng Magaling na si Kian

Pagsakay na pagsakay palang ng mag ina, alam ko na masisira agad ang umaga ko pag sila ang aking nakatabi. Napakaingay nung anak niya, sa lahat pa naman ng ayaw ko ay yung batang salita ng salita.

So ayun, umupo ang Anak sa tabi ko. at hingi ng hingi sa kanyang Ina ng kung anu anu....

Anak: MAAA, I want to eat na...

Ina: Wait baby, where still on the bus pa eh.

Anak: EEEE, I'm hungry na, MAAAAA

Agad namang binigyan ng Ina ang kanyang anak ng Dunkin Donut, na sa tingin ko ay kahapon pa binili. Mabilis na naubos ang Donut. Pagkaubos ng Donut, marami pa siyang hiningi; laruan, cellphone, at kung anu ano pa.

Mya mya pa ay napansin ko na tingin sya ng tingin sa bintana, at dito na nagsimula ang pinakamasalimuot na parte ng aking paglalakbay...

Anak: MAAA, I want to sit beside the window!

Ina: No, You can't baby, wala nang available sit...

Anak: EERRR!!! I WANT TO SIT BESIDE THE WINDOW!

Ina: No, You can't baby, wala nang available chair...

Anak: EERRR!!! I WANT TO SIT BESIDE THE WINDOW!

Ina: No, You can't baby, wala nang available sit...

Anak: EERRR!!! I WANT TO SIT BESIDE THE WINDOW!

Kian: SSHHHUUUTT UUUP DIRTY BUTTHOLES!!! (Boses ng isip ko)

Nainis talaga ako nun. Paulit ulit na sinasabi ng anak na gusto nyang maupo sa tabi ng bintana, at inglisan pa ng inglisan, mga pilipino naman sila... Makalipas ang ilang minuto, umiyak ang Anak, ooooh, wawa naman ang baby, sino umaway sayo?

Malakas ang iyak ng Anak, hanggang sa kinausap ako ng Ina:

Ina: Iho, baka naman pwedeng palit kayo ng upuan? Jan lang naman kami sa Baclaran.

Aba! Niluluko mo ba ko? Ayaw kong makipagpalit sa kanya! kaya ako nakaupo dito para tignan yung billboard ni Roxanne Guinoo sa Mia Road! At bakit ka nagtatagalog? anu akala mo sakin? Di marunong mag english? Note: Hindi yan ang sagot ko... eto ang aking sagot sa kanya:

Kian: Ayoko po eh.

Ayoko talaga, di ako aalis dito, gusto ko makita yung billboard ni Roxanne Guinoo eh. Chaka Baclaran kau bababa, eh mauuna yung Billboard kesa Baclaran.

So ayun, iyak ng iyak ang bata. Masama ang tingin ng Ina sa kin, tinignan ko rin siya, sabay tingin sa bintana at sinabayan ng ngiti. Tapos narinig ko na ang Ina ay bumulong, "Kala mo kung sino..." hihi. I felt so self fulfiled again. Iniispoiled mo kasi yang anak mo eh. lahat binibigay mo kaya ayan ang resulta. Na spoiled ang bata.

Marahil para sa inyo mali ang ginawa ko. Pero talagang inis lang ako sa mga batang ganun. Hindi ko siya pinagbigyan para naman maranasan niyang hindi masunod ang gusto niya...

Nang bumaba sila sa Baclaran, inakay ng ina ang bata, tapos ay sinabi niya sa kanyang anak na, "Tara anak, wag kang gumaya jan". Tama ang payo ng inay mo! wag mo kong tularan kasi masama ang ugali ko, just stay who you are, wag mong baguhin ang ugali mo at tiyak na maraming matutuwa sayo.

Now, for the conclusion, hindi sulit ang pag tingin ko sa billboard ni Roaxanne, walang kwenta, ni isang patak ng "kilig" di manlang tumama sakin. Ordinary Pose lang, far from what i have expected, sabi kasi sa news, "Super Daring", "Hindi mo siya makikilala, sobrang iba siya talaga", "I never imagined that Ms. Roxanne would be as DARING as that."

Mga sinungaling, walang kwenta ang billboard.

Moral Lesson:

"wala" - Kian the Menace

I've Slept with a Gay!

Yesterday, uwian, wala akong masakyang bus, akalain mo ba namang lahat ng parahin ko eh nilalampasan lang ako? nakakastess talaga... Makalipas ang tatlo pang bus na hindi ako hinintuan, may dumaan na FX taxi, ang nakalagay sa signboard ay "Dasma Bayan", nagningning ang mga mata ko at ako ay tumakbo para unahan ang iba pang naghihintay...

Ako naman ay nakasakay, nakaupo ako sa unahan, tabi ng bintana, at may katabing lalaki, mejo masikip pero naisip ko, "kahit masikip OK na to, matutulog nalang ako..."

Mya mya pa, nagbayad ako ng pamasahe, at sumunod na nagbayad ang katabi ko, "mwa bwayad pwo... isa pwong dwasma..."

Ayun, bading pala ang lalaking katabi ko... But i have nothing against gays, in fact marami akong kakilala at kaibigan na bading, (officemate, classmates, pati nag gugupit ng buhok ko gay). So obviously, thats not the problem. Ang problema ko lang sa kanya ay natulog siya, hindi lang basta natulog, sumandal siya sa shoulders ko... wow, how romantic.

Nag isip ako ng paraan kung pano siya mapapaalis sa shoulder ko para makatulog din ako ng ayos, at nang padating na kami sa isang tulay, mabilis ang sasakyan namin, Note: kung nakikinig kayo sa teacher nyo sa physics, maalala nyo na ang formula ng Velocity ay:

V = Vi + AT

where Vi = initial velocity

           A = Acceleration

           T = Time

Walang kinalaman ang formulang yan sa kwento, ibig ko lang sabihin, paahon ang tulay, so ang tendency ay bababa pa ang ulo nya sa balikat ko, kaya naman pag baba namin sa tulay(syempre ang ulo naman nya ay tataas), sinabayan ko ang pag angat ng ulo nya ng pagbaba ng balikat ko, at ng lalanding nang muli ang ulo nya sa balikat ko, sinabayan ko naman ng pagtaas ng balikat ko, ang resulta:

TOINK!

"Ouch!" wika ng bading, "Mwanong dahan dahan namwan"

"sorry ho." tugon ng driver...

I felt so fulfiled! Mission accomplished! wala na ang ulo nya sa balikat ko! At that time, wala na akong magawa, wala na kong katext kasi tulog na ang Christa ko, so natulog na din ako... ZzzZzZZZzz...

makalipas ang ilang mapayapang sandali, ako ay nagising dahil Dasma na, at nanlaki ang aking mata sa aking natuklasan! nakasandal pala ang magaling na bading sa balikat ko! pareho kaming tulog sa unahan ng FX! aaarrgg! Ang saya, malamang iniisip ng mga nakakakita samin na mgshuta kami nun! arrrgg!

"manong para po jan sa may simbahan!" malakas na wika ng inyong linkod. At sa wakas, nagising ang bading. Bumaba ako ng FX, at bumili ng mani... Di ko talaga maimagine, "I'VE SLEPT WITH A GAY!" God forbids...

Moral Lesson:

"Masarap matulog, lalo nat malamig at may katabi." -Kian the Menace 

Kian:The Jaywalker

Last Wednesday, I got home early kasi medyo masama na ang pakiramdam ko. At sa pag uwi ko na yun, may isa akong bagay na narealize, ako pala ay araw araw na sumusuway sa batas. Ako pala ay araw araw na nag jejaywalking...

Bakit kanyo? ganito yan, dahil maaga akong umuwi, tanghaling tapat, maliwanag na maliwanag kong nakikita ang lahat, at dahil maliwanag, nakita ko ang pagkakamali ko, hindi pala ako tumatawid sa tamang tawiran, bakit? ganito yan...

             l Hukbong dagat ng Pilipinas l

------------------------------------------------------------------------

---     ---     ---     ---     ---     ---     ---     ---     ---     ---   

------------------------------------------------------------------------

OOOOOOOOOOOOO                 OOOOOOOOOOOOOOOOOOO

-----------------------------IIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIll--------------------------------

---     ---     ---            IIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII   ---     ---     ---     ---     ---    

---------------------------IIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIll--------------------------------

                     l Department of Finance l

Nagets mo ba ang drawing ko? Natural lang na magets mo agad yang drawing na yan, napaka realistic eh! Well, ang everyday route ko pauwi ay nagsisimula sa Department of Finance, tatawid ako ng Roxas Blvd. papuntang Hukbong dagat ng Pilipinas para doon mag abang ng bus na pa Dasmariñas. kung mapapansin nyo sa aking ultra realistic ASCII art, merong tatlong hindi magkakapantay na llllllllllllllll sa kalsada sa tabi ng Department of Finance(sinubukan kong i align ang tatlong yun pero sumakit na ang ulo ko), yun ay ang pedestrian lane, so ibig sabihin, tawiran talaga ang lugar na yun. kaya lamang, pag dating mo sa center island na naghahati sa dalawang kalsada ng Roxas blvd., mapapansin mo agad na ikaw ay susuway sa batas trapiko. kasi ang kalsada na papuntang south(Libertad, Baclaran, Cavite, etc) ay wala nang llllllllllllllll! e putsa pala, tama yung tinawiran ko kanina tapos pagdating sa kabila eh mag jejaywalking na pala ako? hay, mabuti na lamang at walang MMDA na nagbabantay sa lugar na yun...

At ang masama pa neto, wala na akong maisip na karugtong na pwedeng idagdag... kaya tapos na ang post na ito. kakain na ko ng yakisoba...

Moral Lesson:

"Bawal tomawed deto, mahole bogbog!" -Kian the Menace

I love you so...

I am a rose, you are my thorns,
clutching to me, protecting me.
I am the sun, you are my rays,
helping me to shine and be all that I can.
I am a lake, you are my water,
filling me with dreams, ideas, and hopes for the future.
I am a tree, you are my leaves,
sharing who and what I am
and becoming an important part in my life.
I am a heart, you are my beat,
beating rhythmically to my happiness,
my fear, my sadness, my excitement.
I am me and you're my love(tama ba yun?),
to share all that I am,
to share life, love, and happiness.
I love you...

Final words:

"O sinisintang bathala ng tubig, nilalangit na diwata ng apoy, bakit yaring pag ibig ko ay hindi abot kamay? Tila ba isang tala na napakahirap abutin...  naway mahabag ang yaring Haring Araw, na ilapit ang abang mangingibig, sa minumutyang kanyang iniirog..." (Nabaliw sa pag ibig) -Kian the Menace

PE teacher = Nazareno?

Bagong taon na, yehey! kayat sa unang post ko sa blog ko para sa taong ito, magkukwento ako tungkol sa aking karanasan nung ako ay hayskul pa lamang...

Note: This is a true story, if your not convinced, try to contact other Students who studied in Colegio de Sta. Rosa year 2001 to 2002!

This morning, habang nakaupo sa bus at nanunuod ng balita sa tv, napansin ko na halos nasakop ng paghahanda sa pista ng Nazareno ang mga balita, at sa tuwing naririnig ko ang salitang "Nazareno", isang tao lang ang mabilis pa sa Pentium Centrino ang pumapasok sa isip ko... siya ay walang iba kundi si... TANTARARAN!!! Si Mr. Niño Costelo!

Sa mga hindi nakakakilala sa kanya, siya ay aking guro ko noon sa PEHM(Physical Education, Health, and Music) noong highskul sa Colegio de Sta Rosa. Siya naman ay mabait, ayos kausap, at madaling pakisamahan. Kaya lang, malamang inyong natatanong:

"E bakit 'PE teacher = Nazareno' ang title? kamukha ba siya ng poong Nazareno?"

Mali kayo kung yun ang inyong iniisip, hindi nya kamukha ang Nazareno, ganito yan kids. Isang araw, isang ordinaryong araw, (pasok ng skul, kopya ng math assignment, recess, pasok ulit, pasa ng assignment sa math). Nung unang recess, habang kumakain ako ng hamburger at Chocolait(Chukie na ngayon) kasama ang mga klasmeyt ko, may naguusap sa tabi ng table namin, pinagusapan nila si sir costelo, me topak daw, pero dahil sa sarap ng hamburger+chocolait combo meal ko, di ko sila pinansin...

Kinahapunan, dumating ang time ng PEHM, ng si Sir Costelo ay dumating, ibang iba ang kanyang kilos, malamya at mejo matamlay, umupo siya sa harap ng klase at sinimulan ang palabas este ang klase. siya ay nagsalita (ang mga sumusunod na paguusap ay ang mga natatandaan ko lamang, maaaring may ibang kulang, pero wala akong dinagdag):

Mr. Costelo: Alam nyo ba mga kapatid, last Sunday, nagsimba ako at naramdaman ko ang tawag ng panginoon... Nung niresite na ang "Apostles Creed" i really cried, i cried hard, at tinanggap ko ang poong Nazareno sa aking katawan...

Ang buong klase ay nagulantang, sa aking pagkakaalala, walang nakaimik at lahat ay naka focus sa kanya, at siya ay nagpatuloy:

Mr. Costelo: Wag kayong magpapanic kung may maaamoy kayong amoy bulaklak, kasi pag naamoy nyo ang amoy bulaklak, ibig sabihin lamang ay nandirito ang ating inang Birheng Maria...

Nakatanga parin ang buong klase, habang ako naman ay nakatingin sa kanila. tinignan ko si Francis Erick na madalas kong kakulitan, naka tanga din. wala akong makausap, kaya tumanga nalang din ako. at siya ay nagpatuloy at iba na yata ang boses...

Mr. Costelo: UUUHHHH, ako na ngayon ang Black Nazarene! Dahil tinanggap ako ni Niño sa kanyang katawan, ito na ang aking magiging bagong tahanan! UUHHHH!

Pagkatapos ng litanyang yun si Sir ay kumurap kurap, tila nag beautyful eyes! at pagkatapos ay nagsalita ulit, bumalik na siya sa dating boses:

Mr. Costelo: Ah, (hingal), nasan ako? anung nangyayari?

Kian: (Nagpigil ng tawa)

Patrick Tapere: Sir nasa Classroom kayo, nagbago boses mo...

Mr. Costelo: Ganun ba, hindi nya ko binalaan na siya ay papasok sa aking katawan. pasensya na kayo... blah! blah! blah! Malamang hindi na ko magturo, manggagamot nalang ako, blah! blah! blah!

hehe, yung mga blah! blah! blah! ay mga salitang hindi ko na maalala, malamang nung time na sinasabi nya yun ay nakatalikod ako at nakikipag usap kina Erick at Ericson.

Sumunod dun ay nakalimutan ko na, ang natatandaan ko dinala yung teacher sa mental para macheck up, pero sabi ni Mr. Costelo, napatunayan daw nya na di siya baliw sa pamamagitan nung drawing nya ng taong lalaki, panu kaya mapapatunayan yun dahil lang sa picture na dinrowing nya? hmmm, di ako psyco student para malaman yun, pero walang nakakaalam ng totoong resulta.

Ngayon, di ko na malaman kung ano na ang nagyari kay Sir. Magseselebreyt kaya siya ngayon ng kapistahan niya? hehe.

Moral Lesson(wag basahin kung kayo ay kumakain):

"Pag may naamoy kayong amoy bulaklak, wag kayong mag papanic, nautot lang ako. Excuse me." -Kian the Menace

Saddam Hussein Execution Videos

Kaninang umaga, habang tinitiis ko ang gutom d2 sa office, naicpan kong maghanap ng video ng execution ni Saddam, madami na daw kasi at kalat na ang mga video nito. Kaya pumunta ako sa www.youtube.com, at tinype ko sa search box ang "saddam hussein execution" at pagkatapos, tadaaaa! ang daming lumabas na pagpipilian na mga video ng execution nya!

Hirap na hirap akong pumili, pinili ko ang video na pinaka mahaba ang running time. Kaya lang akoy nadismaya, di ko malaman kung batang 3 years old ang kumuha ng video, bukod sa napakalikot ng kuha, napakadilim at minsan sahig ang kinukunan. kayat mabilis kong pinindot ang "back" button.

sumunod kong pinili ang video na kapareho ng video na napanuod ko sa "24 oras" kagabi. ayun, malinaw ang video pero mejo choppy parin. kaya lang, pagkatapos bigtihin si saddam ay natapos na ang video, hhaaay, "back" button ulit!

pinili ko naman ang kaparehong video na kapareho lang ng huling pinanuod ko, ang kaibahan lang, mas mahaba ang running time neto, kaya tyak na hindi ito putol! excited na ko! kaya i click play, at pinanuod ko ang streaming media. At lalo akong nadismaya sa video na ito. Bakit kamo? Kasi naman, pagkahulog ni saddam sa butas para cya mabigti, naputol nanaman ang video, at pinakita na si saddam na nakabalot sa tela. pinanuod ko ang iba pang videos, parepareho lang. walang kwenta.

Naisip ko tuloy, si Saddam nga kaya yung nakabalot sa tela na lumabas? Namatay nga kaya siya? Kasi wala akong nakita na video na na capture yung patay na siya, at binalot sa tela. Isa ba itong scandal? ba malay ko, bat ako tinatanong mo!

Tsaka isa ko pang tanong, bakit lahat ng video nung execution na yun eh super duper low quality vids (choppy, yung iba walang sounds, malabo, madilim)?  balak ba nilang magbenta sa mga nabitin sa clips ng dvd quality version ng clip na ito sa mga magbabayad sa kanilang website?

Huy, sagutin nyo ko, namatay ba talaga si saddam dun sa execution na yun? Chaka, meron ba kayong nakita na video na maayos, kumpleto at may sounds? san nyo nakita? share nyo naman sakin... tinatamad na kong maghanap eh... hehe

Moral Lesson

"Huwag manuod ng youtube sa oras ng trabaho" -Kian the Menace

Last Day of My "Young Adult" Days?

Phew, Birthday ko na tomoro, 21 na ko, at mejo hindi ko pa sure kung ang spelling ng tomoro eh "tomorrow" o "tommorow". ah basta, the day after this day, ang birthday ko na...

At dahil bukas pa naman ako magiging "adult", mag iicp bata muna ko ngaun...

Wla naman ako masyadong wish sa birthday ko, nirequest ko lang sa aking ina na ang hapunan namin ay Chicken Curry. May matatanggap kaya ako na regalo? Kasi yung mga regalo daw sakin nung xmas eh kasama na daw dun yung pang New Year at Birthday ko. huhu. (para ka talagang bata gago!)

Sa ibang balita, masaya ang sitwasyon dito sa opisina, hindi nila alam na bday ko bukas, kaya ang bati lang nila sakin eh "Kristian! happy new year!" Cyempre, ala nga namang ikalat ko na bday ko bukas, lalo pat ganitong 220 lang ang laman ng wallet ko.

Sa kabilang dako naman, ako ay handa nang tumaggap ng regalo, maaari nyo itong ipadala sa opisina:

Department of Finance

OSS CENTER-TCCIAD

3rd floor Executive Tower, BSP Complex

Roxas BLVD., Manila

Maaari din kayong magpadala ng load sa numerong 09184941742!

Salamat po! hehe.

Moral Lesson:

"Huwag masyadong makapal ang mukha pag nanghihingi ng regalo." -Kian the Menace

P.S.

Pasensya na po, pag bigyan nyo na ang kawalang kwenta ng post na ito. bday ko naman. sabagay, lahat ng nakalagay dito sa blog na ito ay walang kwenta, nyik hik hik hik!

Christmas Day Headache

Last Christmas day, i spent most of the day sa kalsada, bakit? Kasi, umaga palang byahe na papuntang Bulacan at makalipas lang ang ilang oras, byahe naman ako pauwi ng Cavite. At ang talagang nagpasakit ng ulo ko ay ang byahe pauwi. Bakit? narito ang kwento:

Ako ay sumakay sa LRT, akala ko walang magiging problema, kaso nagkaron ng konting aberya. Dahil ito sa dala kong regalo, ang laman nito ay isang mahabang ambrasador(unan na mahaba) na naka giftwrap.

Guard: Boss, ano laman nito?

Kian: Di ko alam sir, eh nakabalot pa kasi.

Guard: (Ngumiti)

Pambihira, eh obvious namang mahabang unan ang nakabalot eh tinatanong pa, kungsabagay, sumagot din ako na di ko alam kaya tanga din ako.

Matagal na pinisil pisil ng guard ang regalo, sabay pinadaanan ng metal detector, at saka palang ako kinapkapan. Anyways, ok lang sakin yun kasi para din naman sa safety ng mga pasahero yun. Then nakasakay na din ako sa wakas.

Bumaba ako sa "Central Terminal" Station, pumasok ako sa "Park 'n Ride"(Terminal ng bus), at himalang hindi manlang ako kinapkapan ng mga guards dun. Mukang wala silang natanggap na bambtret ah? At kalaunay sumakay ako ng bus papuntang Dasmariñas. Naupo ako sa bandang gitna, sa tatluhan, sa tabi ng bintana.

Mya mya, may umupo na isang pamilya sa tabi ko. Isang nanay, tatay, at dalawa nilang anak na isang batang mukhang 6 years old at isang baby na 1 year old lang cguro. At dahil sila ang nakatabi ko, nagsimula na ang Chistmas-day-sakit-sa-ulo ko.

Mabagal ang aming paglalakbay, sumapit kami sa Coastal Road at dun palang ay traffic na. Ang everyday traffic na nararanasan ko ay nadagdagan pa ng 5 kms na traffic, dun palang di ko na malaman kung hihimatayin na ko sa stress. Pero ang sumunod na nangyari ay talagang umubos sa chakra level ko...

Umiyak ang sanggol na karga ng nanay na katabi ko... "UNNGGAAAA! UUUUUUNNGGGGAAAA!" wika ng sanggol. "Ssiiit sssiiit siiit" sagot ng nanay. Pero hindi tumigil ang iyak ng bata, "UNNGGAAA!" palakas ito ng palakas! "UNGGGAAAAAAAAAAAAAA!" hindi mapatahan ng nanay ang kanyang anak. Kaya naman kinausap ko ang nanay at tinuruan ko siya ng natutunan ko nung elementary sa HELE (Home Education and Livelyhood Education):

Kian: Ate, try mo po siyang padapain...

Nanay: Wag mo kong turuan ng gagawin ko, sssiiiiit ssiiiit...

Baby: UNNGAAAA! WAAAAAAAA!

Pambihira, ako naman ay maayos at magalang na nakipag usap. Nag suggest lang naman ako ah, huhu.

Makalipas ang ilang oras na iyakan ay sitsitan(na wa epek), biglang nahawa ang bata sa likuran ng upuan namin, akalain nyo ba namang umiyak din ang bata! At di pa jan tapos, isang batang babae naman na karga ng nakatayong babae ang umiyak! Holy Cow...

Kung kayo mismo ay nasa kinauupuan ko nun, maiintindihan nyo kung ano ang tunay na kahulugan ng sakit ng ulo. Napakaingay talaga. At sa mga oras na yun, nagsisisi ako kung bakit hindi ko tinuloy na itakas yung mp3 player ng kapatid ko kaninang umaga.

Dumating ako sa Dasma, nakababa na din sa wakas, tinreat ko ang sarili ko sa mcdo(1 pc chicken, 2 rice, 2 extra gravy, 1 sprite), I celebrated that im still alive habang katabi ko ang unan na halos sira sira na ang balot...

Moral Lesson:

"Wag bumili ng extra gravy sa mcdo, may free gravy refill sila!" -Kian the Menace

Piccolo: Reloaded

Last night, nanunuod ako ng news. At isang balita ang talagang napag interesan ko. Yun ay balita tungkol sa mga smuggled na paputok... Naging interesado ako sa balitang yun kasi nakita ko ang kahon ng piccolo na napagdisketahan ko dun sa previous post ko dito sa blog entitled "Piccolo, piccolo, pano ka ginawa?". Napag disketahan ko ang piccolo kasi...

1. Ang nakadrowing sa kahon ng piccolo ay isang piratang may subong piccolo na may sindi.

2. Walang instruction kung pano ligtas na papuputukin sa bibig yung piccolo.

3. Ang nakasulat sa likod ng kahon ay ibang language.

Ngayon, ayon sa balita, pinupuslit daw ang mga paputok galing sa China, at pagkatapos ay papalitan ang kahon at lalagyan ng "Made in Bulacan" para hindi mabuking. Ayon sa interview:

Lalaking naka Blue: Pinupuslit lang namin to galing sa China, tapos lalagyan ng Made in Bulacan.

Buong tapang na inamin ng lalaki ito. Pero ng interviewhin ang taga Bureau of Customs:

Lalaking taga BOC: ay hindi totoo yan, kami dito sa Bureau of Customs ay mahigpit pagdating sa pagpasok ng mga paputok.

Wow, magkaiba ang mga sinasabi ng magkabilang panig! Sino kaya ang sinungaling? yung lalaking naka T-shirt lang sa kalsada o yung lalaking naka barong sa opisina? mahirap ata yun ah.

Ang nakakainis, hanggang ngayon ay wala paring malinaw na instruction kung pano papuputukin sa bibig ang piccolo, samantalang malinaw naman sa kahon:

Piccolo_1_2

na nakasubo yung piccolo... hay, malapit na ang new year di ko parin alam kung pano gagawin yun! aaarrrggg!

Moral Lesson:

"Retarded ang sumulat neto, huwag tularan" - Kian the Menace

Jeepney Driver: Buwaya

Kahapon, nag half day ako sa office para ayusin ang business ko sa skul. on the way papuntang skul, naisipan kong i treat ang sarili ko sa Jollibee, matagal na kasi akong di nakakakain ng peborit kong Jolly Spaghetti. Kaya naman bumaba ako sa Dasmariñas Bayan para dun kumain sa Jollibee. at nung kinakain ko na ang Jolly Spaghetti ko, may tumutugtog na background music:

"Humahagikhik, humahalakhak

Di mapigilan ang tawa...

na, na, na, na, na, na, (di ko kam tong part na to)

Sa Jollibee, bida ang saya!"

Now, balik tayo sa main topic na napakalayo sa mga pinagtatype ko sa itaas. Marahil naitatanong nyo,

"Uy, Kian, bat mo naman nasabi na buwaya yung jeepney driver? Cute naman ang mga Jeepney Driver diba?"

Alam nyo kasi mga kids, ganito yan, sinubukan kong gayahin yung ginagawa sa palabas sa Channel 2, kaso di ko maalala kung anu ang title nun eh, ang host nun ay sina Christine Bersola at si Gabe Mercado, tinetesting nila ang pag uugali ng mga Pilipino, halimbawa, sinubukan nilang mag iwan ng cellphone sa isang lugar, tapos titignan nila kung may magsosoli. Ganun yun.

Kaya naman ako ay nagpanggap na akomplis ng palabas, at tinesting ko ang katapatan sa serbisyo ng mga jeepney drivers. FYI, 4 years of my college life, sumasakay ako ng jeep mula Dasma Bayan papuntang PCU. Kaya naman alam na alam ko kung magkano ang pamasahe, ang pamasahe papunta dun ay:

Estudyante/Senior Citizen: 6 Pesos

Regular Fare: 7.50 Pesos

Maliwanag na minimum lang ang pamasahe, pero dahil ako ay self proclaimed na akomplis, sumakay ako ng jeep papuntang Silang at kinausap ko ang driver:

Kian: Manong, dumadaan ba ito ng PCU?

Driver: Oo...

Kian: Magkano po hanggang dun?

Driver: (nag isip ng mga 5 seconds) DOSE LANG!

Pambihira ang driver ng jeep na ito, na may plate number na DVV 890, ang laki ng patong mo sakin ah? diba dapat 7.50 lang? Tas ang pagkakasabi mo pa sakin eh dose LANG? LANG? LANG? pambihirang patis talaga.

Pero, dahil ako din naman ang pasimuno ng sarili kong kalokohan, i have no choice, kailangan kong magbayad ng 12 pesos. Pero para makaganti, 7 pesos na tig 25 cents ang binayad ko, na naipon ko sa mga sukli ko sa Cafeteria ng Banko Sentral. at 5 pesos na tig pipiso.

Kaya ngayon mga kids, siguro naliliwanagan na kayo kung bakit buwaya yung jeepney driver.

Moral Lesson:

1. Huwag magtanong sa driver kung magkano ang pamasahe, kasi bukod sa Fare Matrix nila, may sarili silang Fare Matrix sa loob ng ulo nila. Dun nakalagay kung magkano ang sisingilin sa mga hindi nakakaalam ng tamang pamasahe. Magbayad nalang kayo ng buong 50 pesos.

2. Huwag din gayahin ang ginawa ko na nagpanggap na accomplice, mahirap maging accomplice kung wala kang sponsor.

Pasko na! Paksiw pa!

Tuwing umaga, sa aking paglalakad papunta sa nilalangit kong tulay na nag dudugtong sa cityhomes at sa subdivision namin, malakas at malamig ang hangin, bakit kaya? Anu sa tingin nyo? Tama! kasi December na, at malapit na ang pasko! Pero naisip ko, paano na kaya ang pasko ko? hindi na kagaya nung mga nakaraang Christmas, may aguinaldo, eh ngayon baka di na ko bigyan kasi "may trabaho ka na! dapat ikaw na ang mag bigay!". hay... gusto kong bumalik sa panahon ng Christmas year 2001, kasi, yun ang taon na di ko malilimutan, ang paskong umabot ang napamaskuhan ko sa mga tita, tito, ninong, at ninang ko sa halagang 9,500! yun ang pinakamataas na record ko (o di ako nakikipag pataasan sayo! wag kang mayabang!). Kumpara sa last year na 3,000 lang ata, di ko na maalala, at syempre, may % pa ang mommy ko dun(revolutionary tax).

Pano kaya ang magiging takbo ng pamamasko ko ngayon? A basta, sasama ako sa mga pinsan ko na mag ikot sa mga bahay ng mga ninong at ninang ko sa Bulacan. Baka sakaling may maawa naman sakin. hehe.

At, siyempre, kumpleto ba naman ang pag popost ko dito kung walang halong panunuligsa? Well, speaking of pamasko, may nakita akong "billboard" sa may Expressway sa Coastal Road, ang nakalagay:

"Pamaskong Handog ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Extension of R-1 Expressway To..."

d ko na nabasa ang kasunod, kasi mabilis ang takbo ng bus. pero ang extension na yun ay para maibsan ang traffic sa may Bacoor every rush hour. Ginagawa ang extension na yun para dun na dumaan yung mga paliko papuntang Talaba, Kawit, Tanza, etc... (yun ay hula ko lang kasi tingin ko dun papunta yung kalsada).

Ngayon, bakit nakalagay dun eh PAMASKONG HANDOG??? eh hanggang ngayon eh tambak palang ng lupa dun sa ginagawang Extension ang nakikita kong achibment nila? Niloloko nyo ba ko o ano? hehe. Well, I therefore conclude that, yung Pamaskong handog na yun ay para sa Election 2007, este,  Christmas 2007 pala,